Raymond

Panlalait kay Raymond, pinalagan ng netizens

August 2, 2021 People's Tonight 372 views

USAP-USAPAN sa Twitter ang pag-amin ni Raymond Gutierrez na proud member siya ng LGBTQ+ community. Trending nga ang hashtag na #raymondgutierrez dahil sa pag-amin ni Mond sa isang magazine interview.

Pinapalakpakan si Raymond ng ilang netizens sa tapang niya sa pag-amin ng seksuwalidad niya.

Kinukondena rin ng ibang netizens ang panlalait sa kakambal ni Richard Gutierrez sa pag-out niya.

Huwag nating husgahan si Mond. Gusto lang niyang i-enjoy to the fullest ang buhay.

Hindi lang naman siya ang nag-come out sa open ng sexual preference niya, huh!

Kesa maapektuhan sa banat ng mga netizen, enjoy na lang sa buhay niya si Raymond na kasalukuyang nasa Los Angeles, California.

BUKO ORIGINALS, NI-LAUNCH

MaineGINANAP kahapon ang launching ng Buko Originals na mapapanood sa Cignal TV.

Ito ay ang Maine Goals ni Maine Mendoza at Kusina ni Mamang ni Pokwang.

Super-sipag nga ang fans ni Meng sa paglabas sa Twitter kaugnay ng mediacon ng dalawang shows. Siyempre pa, ipamamalas ni Meng sa bago niyang show ang kakikayan niya with matching new adventures.

Of course, ang mga lutong bahay na pagkain ang mapapanood sa programa ni Pokwang.

Siyempre, hahaluan niya ito ng pagpapatawa, huh!

Sa pagkakaalam namin, ang Buko ay pinagsamang Buhay at Komedya. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE