Kris

Kris, naghihintay pa rin ng ‘sign’ kay Noynoy

August 2, 2021 Vinia Vivar 362 views

After more than a month na pamamahinga sa social media, nagparamdam si Kris Aquino sa kanyang Instagram followers sa isang bagong post last Sunday, Aug. 1.

Ang nasabing petsa ay death anniversary ng kanyang inang si former President Cory Aquino at bukod dito, 40th day ng kamatayan ng kapatid niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino ng Aug. 2.

Bago ito, ang huling IG post pa ni Kris ay noong June 28, ilang araw matapos ang pagpanaw ni former Pres. Noynoy.

Sa nasabing post ay sinabi niyang naghihintay siya ng go signal mula sa kapatid para ikwento sa publiko ang naging journey ng kanilang relasyon bilang magkapatid dahil nga matagal silang nagkaroon ng misunderstanding.

Sa kanyang latest post, sinabi niyang naghihintay pa rin siya hanggang ngayon ng go signal mula sa yumaong kapatid. At ito, aniya, ang dahilan kung bakit wala tayong nakikitang bagong post niya.

“PNoy’s 40th. Mom i am sure won’t mind that we are posting this at 2 AM (the hour she died), on the day of her 12th death anniversary, because on August 2, it will be the 40th day since Noy’s death.

“Maraming nilalaman ang puso ko na gusto kong ibahagi sa inyong lahat… sure ako marami ang nagtatataka bakit wala kayong nakitang post, napanuod na interview, o nakitang moment na ako ang nagsalita on behalf of our family. But, now is still not the right time for me… naghihintay pa ko ng ‘go signal’ from him — i know my brother will find a way to let ‘bunso’ know when it’s time for all of you to hear the story from me of our journey- simply because all of you are a very special part of our journey, one i believe is a continuing one,” pahayag ni Kris.

Muli ay nagpasalamat siya sa sambayanan sa suporta sa kanilang pamilya.

”Sa inyo pong lahat, maraming salamat dahil pinaramdam nyo sa aming apat, kay Ate, Pinky, Viel, at sa ‘kin na hindi kami nag-iisa sa aming paniniwala that we were truly blessed to have Noy as our brother — na habang buhay naming IPAGMAMALAKI, PASASALAMATAN, HAHANAP HANAPIN, at MAMAHALIN.

“Though still so painful, we know how blessed we were to have been born as the children of Ninoy and Cory, and the sisters of Noynoy Aquino,” pagtatapos ni Kris.

LIBRENG REGALO

Palagi nang online ang ABS-CBN para sa lahat ng subscribers nito dahil gagawin nang 24/7 at available sa mas maraming bansa ang paboritong shows at movies sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Ito ang libreng regalo ng Kapamilya Online Live sa unang anibersaryo nito bilang pasasalamat sa lahat ng mga Kapamilyang patuloy na kumakapit sa mga palabas ng ABS-CBN saan man sila sa mundo.

Kaya naman sa YouTube, buong araw at buong linggong tuloy-tuloy na entertainment ang mapapanood sa buong Pilipinas at sa higit 180 bansa.

Lalo ring aapaw ang aksyon, drama, saya, at kilig dahil bukod sa livestreaming ng FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, Init sa Magdamag at La Vida Lena, pwedeng ulit-ulitin ang pinakahuling episodes ng mga ito sa loob ng pitong araw.

Mas masaya at exciting din ang kwentuhan kasama ang ABS-CBN stars at iba pang live viewers sa parehong Facebook at YouTube. Pwedeng makipag-chikahan sa live chat section, makisali sa gap shows na eere tuwing commercial breaks gaya ng Showtime Online at iWant ASAP at maging bahagi ng virtual studio audience ng It’s Showtime.

Bukod sa kasalukuyang umeereng mga palabas ng ABS-CBN, darating na rin sa Kapamilya Online Live ang Ningning, Bagani, Dyosa, Palibhasa Lalake, Banana Split at sari-saring blockbuster Filipino movies gaya ng Volta at Crazy Beautiful You.”

Napapanood ang Kapamilya Online Live sa lumalaking komunidad ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel na mayroong 35.5 milyong subscribers – ang pinakamarami sa Southeast Asia.

Humatak din ang YouTube channel ng 72.8 milyong unique viewers sa buong mundo sa nakalipas na tatlong buwan.

Sa Facebook page naman ng ABS-CBN, araw-araw na nagla-livestream ng mga palabas sa 30.6 milyong followers nito.

Noong Agosto 2020, inilunsad ng ABS-CBN ang Kapamilya Online Live para maging “online tahanan” ng mga palabas na na-miss ng mga Pilipino. Ito ay bahagi ng patuloy na paghahanap ng ABS-CBN ng paraan na makasama ang mga Kapamilya at makapaghatid sa kanila ng saya, pag-asa at inspirasyon.

AUTHOR PROFILE