Default Thumbnail

Philhealth officials, 18 hospitals kinasuhan sa katiwalian

September 7, 2021 Marlon Purification 840 views

Marlon PurificationSA GITNA ng mga isyu ng katiwalian, ipinakita ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ilalim ng pamumuno ni Director Eric Distor ang pagiging seryoso sa pakikipaglaban sa mga iregularidad.

Pinabagong aksyon ng NBI partikular ng kanilang District Office sa Dagupan City ang paghahain ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa 15 identified opisyal ng PhilHealth sa kanilang main office at lima pang opisyal sa Region 1 office sa Dagupan City.

Bukod ito, 18 pang hospital owners o directors sa Region 1 ang ipinagharap ng kaso dahil sa iregular na paggamit ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) para sa COVID-19 cases.

Ayon sa datos, noong March 31, 2020, naglaan ang PhilHealth Board ng P27,022,668,580 at P782,476,917 para sa claims kahit isinasailalim na sila sa imbestigasyon.

Kasama sa mga inireklamo ang Candon St. Martin De Pores Hospital (Ilocos Sur), City of Candon Hospital (Ilocos Sur), Del Carmen Medical Clinic and Hospital (Pangasinan), Divine Mercy Foundation of Urdaneta Hospital (Pangasinan), El Corazon De Jesus Medical and Diagnostic Clinic (Pangasinan), Gaoat General Hospital (Ilocos Norte), Ilocos Sur District Hospital-Masingal (Ilocos Sur), Jesus Nazarene General Hospital (Pangasinan), Judge Celestino Guerrero Memorial Hospital (Ilocos Sur), La Union Medical Center (La Union) , Lorma Medical Center Inc. (La Union), Mariano Marcos Memorial Hospital (Ilocos Norte) Pangasinan Doctors Hospital (Pangasinan), Pira Hospital (Ilocos Sur), Sta. Teresita Hospital (Ilocos Norte), Sto. Cristo Milagroso Hospital (Ilocos Sur), Sto. Niño Hospital (Pangasinan), at Tayug Family Hospital (Pangasinan).

Una rito, kinasuhan din ang Corpuz Clinic Hospital (Ilocos Sur), Socony Medical Group (Pangasinan), Bacarra Medical Center (Ilocos Norte) at Elguira General Hospital (Pangasinan).

Sa panig ng PhilHealth, respondents sina Ricardo Morales, dating President at CEO; Augustus de Villa, dating Senior Vice President; Arnel De Jesus, Executive Vice President/COO; Nerissa Santiago, Acting Senior Vice President; Renato Limsiaco Jr., Senior Vice President; Israel Francis Pargas, former Senior Vice President; Rodolfo del Rosario Jr. chief of Legal Sector; Dennis Mas, Chief, Management Services Sector;

Walter Bacareza, Area Head of Area 3; Oscar Abadu Jr., former Vice President; Alfredo Pineda II, Area Vice President for Area 1; Emily Roque, Senior Vice President of Fund Management; Calixto Gabuya Jr., former Senior Manager ICT & Management; Rene Pascua, Project Management Team (Claims, Health finance); Jonathan Michael Ele, Head of Project Management Team ; John/Jane Does, designated Adjudicator;

Alberto Manduriao, former Regional Vice President; Maricar Arzadon, Chief of Health Care delivery Management Division; Jane Ragos, Head of Fund Management of PRO1; Jose Mones, Budget Officer of PRO1; Marife Arenas, Senior Social Insurance Officer of PR01;

John/Jane Does (3), Medical Evaluator, Claims Processing chief, Designated Adjudicator.

Sinabi ni NBI Deputy Director for Regional Operations Service Tony Pagatpat, nagsagawa sila ng masusing imbestigasyon sa mga alegasyon ng malawakang katiwalian at anomalya sa PhilHealth partikular ang iregularidad sa paggamit ng IRM fund ng PhilHealth Regional Office 1 (PRO1) at tinanggap ng 49 na ospital.

Ang IRM ay isang fund mechanism para sa Health Care Institutes (HCI) na maaaring i-avail ng advance fund mula sa PhilHealth.

Kinuwestyon ang paggamit ng IRM dahil sa mga invalid claims partikular sa mga hindi COVID-19 patients.

Ibinatay ang kaso sa Circular 2020-007 noong March 20, 2020 na nilagdaan ni BGen. Ricardo Morales, dating President and CEO of PhilHealth, para sa polisiya sa special privileges sa HCIs.

Partikular na kinuwestyon ang cash advances dahil ipinagbabawal ito ng Commission on Audit, gayundin ang pagbibigay pabor sa mga HCIs para sa distribusyon ng pondo at ang COVID 19 cases fund ay ginamit sa hindi COVID 19 cases.

Kabilang sa isinampang kaso ang paglabag sa Section 44 of ng Republic Act 10606 o National Health Insurance Act and technical malversation, paglabag sa Section 3 (e) (g) at (j) ng Republic Act No. 3019 p Anti-Graft and Corrupt Practices Act at administrative cases ng Grave Misconduct, Gross Dishonesty, Gross Negligence at Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service.

Sa ginawang ito ng liderato ni NBI Chief Distor, unti-unti nang nagkakaroon ng linaw kung bakit ingat na ingat si Philhealth chiefy Atty. Dante Gierran sa pagbabayad ng multi-billion pisong utang sa lahat ng hospital.

Alam kasi ni Gierran, bilang dating NBI chief at CPA lawyer, na may anomalya sa ilang transakiyon ng ilang hospital para pagpasasaan ang pondo ng taumbayan.

Ang maganda rito, hindi nagpapa-pressure si Gierran sa alinmang pambabarako ng ilang hospital owners dahil alam nito na sa tulong ng mga dating kasamahan sa NBI ay mahuhubaran nila ng maskara ang mga mafia sa Philhealth.

Sa puntong ito, nais nating saluduhan ang pamunuan ni Gierran sa Philhealth, gayundin ang liderato nina NBI Chief Distor at Atty. Pagatpat. Ang ginagawa ninyo ngayon ay malaking pagsalba sa pamahalaang Duterte na sa ayaw natin at sa gusto ay nabubugbog sila ng intriga dahil naman sa umano’y multibillion-pisong pondo na ginagamit ngayong panahon ng pandemya.