Default Thumbnail

Pedicab driver tigok sa SUV

April 7, 2024 Jonjon Reyes 137 views

NAMATAY habang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 56-anyos na pedicab driver, makaraang mabundol Biyernes ng hapon sa F. Yuseco Street at Katamanan Street sa Tondo, Manila.

Nakilala ang biktima na residente ng Parola Compound sa Tondo.

Ayon sa isinumiteng report ni Police Major Jaime Gonzales Jr., ang chief ng Vehicular Traffic Investigation Section, kay Police Major Anthony Olgado ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) nitong Abril 5, bandang 4:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa naturang lugar.

Nakuha ang video ng insidente sa CCTV sa tulong ni Edwin Santos, chairman ng Barangay 222, Zone 21.

Nang i-review ang insidente ni Police Staff Sargent John Patrick Caranguian, ang may hawak ng kaso, nakitang isang Mitsubishi Montero na may plakang CDI 9914 ang nakahinto sa panulukan ng Yuseco Street.

Nang umusad ito ay nabundol nito ang biktima habang nakaupo sa harapang bahagi ng sasakyan hanggang sa tumilapon at nagpagulong-gulong ang biktima.

Nakuha pang bumababa ng hindi pa nakikilalang driver ng Montero, subalit mabilis din itong sumakay at humarurot patungong Jose Abad Santos.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang pedicab driver, subalit dakong 6:20 ng gabi ay idineklara itong patay ng attending physician.

AUTHOR PROFILE