Paulo

PauNine movie, puno ng hugot lines

June 22, 2022 Jun Nardo 58 views

NAKAKABILIB din ang tapang ng T-Rex Entertainment, producer ng pelikulang Ngayon Kaya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Tanging foreign movies lang ang nakasalang sa mga sinehan ngayon. Kadalasan ang local movies, eh, sa streaming platform inilalabas.

Pero mapatang ang T-Rex Entertainment. Alam nilang maganda ang produktong ginawa ni Direk Prime Cruz kaya nagkaroon pa ito ng red carpet premiere night.

Binigyan kasi ni Direk Prime ng bagong timpla ang movie. Magagaling din sina Paulo ay Janine na malakas ang chemistry sa screen.

Sagana rin ito sa hugot lines lalo na sa eksenang nagsusumbatan na sina Paulo at Janine.

Tulungan natin ang local movies upang bumalik ang sigla ng local movie industry.

KYLIE AT GERALD, NAG-LOOK TEST NA

NAGKAROON na pala ng look test sina Kylie Padilla at Gerald Anderson para sa napabalitang pagsasama nila sa isang pelikula.

Siyempre, first time na magsama ang dalawa at sa Facebook page ng production na MAVX Productions, ipinasilip nila ang look test sa movie nilang Unravel.

Wala pang ibang detalye ang production sa pagsasamang ito nina Kylie at Gerald.

Kasalukuyang napapanood si Kylie sa GMA series na Bolera gabi-gabi.

AUTHOR PROFILE