Regine

ABS-CBN at Uplive, may kasunduan

June 22, 2022 People's Tonight 85 views

Nagkasundo ang ABS-CBN at Uplive para mapadali ang pag-audition ng aspiring singers na gustong maging susunod na kampyeon ng Idol Philippines at magkaroon ng access sa eksklusibong content para sa ikalawang season nito.

Sa bagong audition process, kailangan lang nilang i-download ang Uplive app at i-upload ang kanilang audition video.

Bukod dito, magiging updated din ang users ng nasabing platform sa bonggang surprises at updates ng programa.

Inanunyso na ng Idol Philippines ang kanilang bagong set of judges na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Moira dela Torre, Chito Miranda at Gary Valenciano.

Magsisilbi naman bilang host ng programa ang award-winning na si Robi Domingo.

Abangan ang pagsisimula ng Idol Philippines Season 2 sa pagkakasundo nito at ng Uplive. Ni Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE