Liza1

Liza, dinenay ang tsismis na hiwalay na sila ni Enrique

June 22, 2022 Vinia Vivar 317 views

Mariing itinanggi ni Liza Soberano ang ilang linggo nang pinagpipistahang balita na hiwalay na sila ni Enrique Gil.

Sa panayam ng mga reporter kay Liza sa isang event last Monday, ayon sa aktres, okay na okay ang relasyon nila ni Quen.

“We’re fine, we’re totally fine. He knew all about my US trip and I had talked to him and I was like, ‘these are like really big opportunities that I don’t wanna miss up on. I hope you understand.’

“He’s totally understanding about the whole thing and very supportive and yeah, we’re totally fine,” pahayag ni Liza.

Matatandaang magkahiwalay na umalis ng bansa sina Liza at Quen kamakailan na naging dahilan para mag-speculate ang netizens na hiwa;ay na sila.

Nagtungo sa US ang aktres habang ang boyfriend naman ay lumipad sa Spain kasama ang pamilya.

EKSENA SA ILALIM NG MESA, NAG-TRENDING

Trending at usap-usapan ng netizens at viewers ang mainit na eksena nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin sa GMA Afternoon Prime series na Apoy Sa Langit.

As of this writing, umabot na sa 14 million views ang eksenang “May Milagrong Ginagawa sa Ilalim ng Mesa” na posted sa official GMA Facebook page.

Mapapanood dito sina Cesar (Zoren) at Stella (Lianne) na patuloy pa rin ang pagtataksil at pagpapaikot kay Gemma (Maricel Laxa).

Bentang-benta sa netizens ang eksenang ito na bilib sa husay nina Zoren at Lianne sa pagganap ng kanilang mga karakter. Aliw na reaction naman ng isang Facebook user sa dialogue ni Zoren sa naturang trending scene, “Kaya mahirap ’yung may mga gout, eh.”

Samantala, mas titindi ang mga susunod na eksena sa serye dahil mabubuko na sa wakas ang lihim nina Cesar at Stella. Ito na kaya ang katapusan ng kanilang panlilinlang kina Gemma at Ning (Mikee Quintos)?

Mapapanood ang Apoy Sa Langit mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

AUTHOR PROFILE