Liza

Liza pinabulaanan na hiwalay na sila ni Enrique

June 22, 2022 Aster Amoyo 407 views

PINABULAANAN ng 24-year Fil-Am singer-actress na si Liza Soberano ang tsismis na hiwalay na umano sila ng kanyang ka-loveteam and real boyfriend na si Enrique Gil na nanatiling nasa pangangalaga ng ex-manager ni Liza na si Ogie Diaz at ng ABS-CBN.

Marami ang ginulat ng singer-actress na si Liza nang ito’y lumipat sa pangangalaga ng kanyang bagong manager, ang singer-actor at record producer, ang Fil-Australian na si James Reid, ex-boyfriend ng singer-actress na si Nadine Lustre.

Just like other local actors, gusto ni Liza to work independently (from a loveteam) at subukang magkaroon ng career sa Hollywood sa tulong ni James.

Klinaro rin ni Liza na purely professional ang kanilang relasyon ni James na close friend ng kanyang nobyong si Enrique.

Ayon kay Liza, alam lahat umano ni Quen (palayaw ni Enrique) ang kanyang mga plano and moves kaya wala umanong dapat ipag-alaala ang kanilang fans.

May offer umano ang ABS-CBN para sa balik-tambalan ng LizQuen pero hindi pa umano ito sarado.

Bukod sa international projects sa tulong ng US-based Transparent Arts Group, ang Careless Music ni James din ang mamahala sa kanyang singing and recording career.

As a new talent manager, focused umano ni James na ma-penetrate ang international market para sa kanyang mga contract talents kasama si Liza.

Kamakailan lamang ay mag-isang bumiyahe ang singer-actress patungong Los Angeles, California. She considers it very liberating dahil natuto umano siyang maging independent. In the past, parating may kasama si Liza kapag bumibiyahe.

In her recent one-month stay in the US ay marami umano siyang new discoveries and gained new friends.

SandroAlexa

Lovelife nina Sandro at Alexa nahahalungkat na

HINDI gaanong pinag-uusapan ang 26-year-old actress na si Alexa Miro until aksidenteng nalaman ng publiko na ito umano ang girlfriend ng bagong Presidential son at kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Norte na si Sandro Araneta Marcos.

Si Sandro (27) ang panganay sa tatlong anak ni President-elect Ferdinand `Bongbong’ Marcos, Jr. at ng bagong First Lady na si Atty. Liza Araneta-Marcos.

Kung si Sandro ay nagtapos ng Economics at Political Science sa University of London in England, si Alexa naman ay nagtapos ng Communication Arts sa De la Salle University and she’s from Bacoor, Cavite.

Sa tatlong anak ni President-elect Bongbong Marcos, si Sandro ang sanay na sa limelight hindi lamang dahil siya ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid kundi dahil isa rin siyang pulitiko tulad ng kanyang ama, grandfather, the late Pres. Ferdinand Marcos, Jr., his aunt Sen. Imee Marcos at iba pang mga kaanak.

Ang dalawa pang Presidential sons at nakababatang kapatid ni Sandro ay sina Simon at Vincent Marcos.

Samantala, very proud ang mag-asawang BBM at Atty. Liza Marcos sakanilang tatlong anak na sina Sandro, Simon at Vincent dahil bukod sanakapagtapos na silang tatlo sa kanilang pag-aaral, lumaki silang mababait at marespeto.

Sinabi rin ng mag-asawa na hindi umano sila nakikialam sa lovelife ng kanilang tatlong binatang anak. Ang mahalaga umano ay masaya sila at nagbibigay sa kanila ng inspirasyon kung sino man ang kanilang karelasyon.

Anak nina Claudine at Raymart dalaga na

GANAP nang dalaga ang adopted daughter ng estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Sabina who turned 18 last Tuesday, June 21.

Ang dating mag-asawa ay may isang biological son, si Santino (14). Bukod sa dalawa, muling nag-adopt si Claudine ng dalawa pa after her separation from Raymart, sina Quia at Noah Joaquin Barretto.

Claudine lost her bid sa political arena when she ran for councilor inOlongapo City sa recent national and local elections.

PilipinasAngono

Lala abala sa pagiging beauty queen

MATAPOS maging isa sa mga finalist ng unang season ng “The Voice Kids –Philippines” in 2017, ang maging isang beauty queen naman ang target ngayon ng Kapuso singer-actress la si Lala Vinzon.

Si Lala na gamit ang pangalang Ma. Isabela David ay isa sa 40 officialcandidates ng 2022 Bb. Pilipinas na ang grand coronation night ay nakatakdang ganapin sa Araneta Coliseum sa susunod na buwan.

i Lala ay anak ng character actor na si Roi Vinzon na napaka-supportive sa kanya.

Bukod kay Lala, ang isa pang Kapuso celebrity na kalahok sa 2022 Bb.Pilipinas ay si Herlene `Hipon’ Budol na ang gamit namang pangalan ay Nicole Budol.

Makatulong kaya kina Lala at Herlene ang kanilang pagiging showbizcelebrity para makakuha ng slot sa Bb. Pilipinas?

Thanksgiving Gala Night ng GMA itinatago pa ang detalye

UP this day ay hindi pa nire-reveal ng Kapuso Network ang ibang detalye sa kanilang nalalapit na `Thanksgiving Gala Night’ in celebration sa 72nd anniversary ng GMA na pinaghahandaan na nang husto ng mga Kapuso talents in terms ng kanilang mga kasuotan.

Ang Thanksgiving Gala Night ay magsisilbing kasagutan ng GMA sa ABS-CBN Grand Ball na pansamantalang natigil dahil sa pandemic.

Since nagsisilbing adviser na ng GMA Artist Center (which they renamed as Sparkle GMA Artist Center) ang dating head ng Star Magic ng ABS-CBN na si Mr. M (Johnny Manahan), malamang na konsepto niya ang “Thanksgiving Gala Night” ng Kapuso Network.

Bukod sa mga top executives ng GMA, pangungunahan ang “Thanksgiving Gala Night” ng GMA ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang tinaguriang Kapuso Primetime King and Queen. Tiyak na aabangan din ang isusuot ng singer-actress at fashion icon na si Heart Evangelista (na kamakailan lamang ay binuksan na sa publiko ang kanyang Pure Living Wellness store).

Julia sumabak na rin sa pagbi-business

NAKATUTUWA ang mga young celebrity na nagbi-venture sa business na ang pinakabago ay ang Viva young star na si Julia Barretto.

Although wala pa siyang sariling physical store, she recently launched her own pop up store, ang The Juju Club na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Trinoma in Quezon City na tatagal hanggang sa darating na Sabado, June 25. Ang The Juju Club ng nobya ng actor na si Gerald Anderson ay binubuo ng iba’t ibang kikay fashion accessories tulad ng mga hats, eye wears, hair clips at marami pang iba.

Thankful si Julia dahil successful ang kanyang first attempt ng pagkakaroon ng pop-up store in Trinoma kaya malamang na magkaroon na siya ng permanenteng The Juju Club boutique store.

Proud naman kay Julia si Gerald who owns his own beach resort in Zambales, ang Hayati Private Resort.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE