Default Thumbnail

Pasahero ng MRT-3 142K na kada araw

November 19, 2021 Jun I. Legaspi 257 views

UMAKYAT na sa 142,000 ang daily average ng mga pasahero sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) mula ng sumailalim sa Alert Level 2 ang Metro Manila, ayon sa management.

Ayon kay MRT-3 Officer-in-Charge General Manager Eymard Eje, kada araw ay dumarami na ang pasahero ng MRT-3.

Anya noong nasa 30 percent ng pasahero ang pinapayagang isakay sa tren ay umaabot na ang MRT-3 sa 126,000 pasahero, at nitong pinapayagan na ang 70 percent capacity ay pumalo na sa 142,000 pasahero kada araw.

Ayon sa management, sa patuloy na pagdami ng pasahero, strictly observed at implemented ang health protocol sa loob at labas ng mga coaches.

Anya mayroong mga dedicated train marshals ang MRT-3 management upang matiyak na nasusunod ng mga pasahero ang seven commandments sa loob ng pampasaherong sasakyan: ang laging magsuot ng face mask at face shield; bawal magsalita at makipag-usap sa telepono sa loob ng tren; bawal kumain; laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon; laging magsagawa ng disinfection; bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.

Anya kahit hindi na sapilitan ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 3, 2 at 1 ay hinihikayat pa rin ng pamunuan ng MRT na isuot ito sa loob ng mga bagon para sa pangangalaga sa kalusugan ng mga mananakay ng tren.

AUTHOR PROFILE