Default Thumbnail

Parak naisahan, natakasan ng preso sa Batangas

March 18, 2024 Jojo C. Magsombol 80 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Isang preso ang nakapuga noong Sabado sa nagbabantay na pulis sa Brgy. San Rafael, Sto. Tomas City, Batangas, ayon kay Batangas police director P/Col. Samson Belmonte.

Kasama ng preso ang dalawang kapawa preso at pulis na nakilala lang na si PSSg Desepeda sa mobile patrol at nanggaling sa Regional Forensic Unit (RFU) 4A para sa drug test at turnover ng mga nasabat na suspek ng makatakas ang preso.

Kalalabas pa lang ng patrol car sa South Luzon Expressway sa Brgy. San Rafael, Sto. Tomas City bandang alas-6:45 ng gabi ng biglang tumalon ang preso papunta sa Brgy. Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas.

Patuloy ang manhunt laban sa nakatakas na preso.

AUTHOR PROFILE