Posas

2 timbog sa anti-drug op sa Taytay

March 18, 2024 Jojo C. Magsombol 86 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Huli ang dalawang lalaki na may dalang ilegal na droga sa operasyon ng mga pulis sa Blk. 25, Damayan Floodway B, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal noong Linggo.

Ayon sa report ni Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun kay Police Regional Office (PRO-4A) kay Calabarzon Regional Director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas, nahuli sina alyas Adrian at alyas MJ.

Natiklo ang dalawa ng magsagawa ng Anti-Criminality Operations ang Station Drug Enforcement Team at Taytay Municipal Police Station bandang alas-12:05 ng umaga.

Narekober mula kay alyas Adrian ang 15 gramo ng shabu na may karaniwang presyo na P102,000.

Nakuha kay alyas MJ ang isang sachet na naglalaman ng 1 gramo ng shabu na may karaniwang presyo ng gamot na street value na P6,800.

Nakatakbo ang iba pang mga kasama ng dalawang nasakote.

AUTHOR PROFILE