Default Thumbnail

Panganib na dala ng COVID-19, kontrolado na sa Navotas

March 8, 2023 Edd Reyes 233 views

Edd ReyesEPEKTIBO ang halos tatlong taong pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na masugpo ang pagkalat ng COVID-19 dahil halos wala ng naitatalang kaso sa nakakahawang sakit.

Sa katunayan, sinabi ni Mayor John Rey Tiangco na mula noong Pebrero 11 hanggang Pebrero 16 ay wala isa mang naitalang kaso ng COVID-19 sa lungsod bagama’t muling nagtala ng isa hanggang dalawang kaso sa mga sumunod na araw.

Ang pinakamataas na naitalang kaso ay umabot lamang sa tatlo noong Pebrero 23 subalit sa mga sumunod ng araw hanggang pagsapit ng Marso ay isa hanggang dalawa na lamang ang nagkaroon ng nakahahawang sakit na kaagad ding nalulunasan.

Pinasalamatan ni Mayor Tiangco ang mga frontliners, ang mga miyembro ng COVID-19 response team, pati na ang lahat ng Navoteño na nakapag-ambag ng simpleng paraan upang mapuksa ang pagkalat ng sakit.

Nagsimula ang unang kaso ng COVID-19 sa Navotas noong Marso 28, 2020 at simula noon, kumalat na ang nakahahawang sakit na umabot sa kabuuang 22,277 pero dahil sa mga hakbang na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod, gumaling ang may 21,547 at hindi na nadagdagan pa ang 279 na bilang ng mga nasawi.

Sa kabila ng halos wala ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Navotas, pinayuhan pa rin Mayor Tiangco and kanyang mga kababayan na maging mapagbantay, magpabakna at gawin ang lahat ng pag-iingat upang hindi tamaan ng nakahahawang sakit.

Mga epal na tulisan, sakit ng ulo ng PRO-4A

SA dami pala ng mga ume-epal na tulisan na pawang nagpapakilalang sugo ng mga makapangyarihang opisyal, hirap ang mga awtoridad na masupil ang nagkalat na aktibidad ng mga taong nasa likod ng ilegal na sugal sa Region 4-A

Dito nga lang sa lalawigan ng Rizal, isang may alyas na “JB” na umano’y nagpapakilalang may koneksiyon sa pamahalaang lalawigan ang nagbibigay umano ng proteksiyon sa mga nagkalat na mesa ng illegal numbers game sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan.

Bukod kay alyas JB, mayroon ding nagpapakilalang taga-Camp Crame na alyas “Negro” at alyas “Albert” na nagbibigay ng basbas sa mga operator ng mga pergalan para malayang makapaglatag ng ilegal pasugalan sa loob ng mini-carnival.

Dahil dito, hirap tuloy ang mga tauhan nina Provincial Director P/Col. Dominic Baccay at Regional Police Office 4-A Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na suyurin ang nagkalat na ilegal na aktibidad sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Kabilang sa mga patuloy na nagsasagawa ng ilegal na aktibidad sina alyas “Tessie” at “Albert” sa Sumulong Highway, Brgy. Mambugan, at tapat ng malaking grocery store sa Antipolo City, alyas “Lolong”, “Rambo” at “Boy Life” sa Quezon Ave. Teresa Town Proper, sa Taytay Floodway at Kasiglahan Village sa Montalban,

Sa mga lalawigan naman ng Laguna at Cavite, patok din ang puwesto nina alyas “Leslie” sa Brgy. San Vicente sa Binan, alyas “Buknoy” at “Junel” sa tabi ng isang mall at sa Pulong Sta Cruz sa Sta Rosa at “Rosales” sa Bayan ng Pagsanjan.

Hindi rin natitinag ang mga puwesto nina alyas “Manny Pandak”, “Rodel” at “Mely” sa Bayan ng Indang at Bayan ng Noveleta sa Cavite pati na ang mga mesa ni alyas “Buknoy” sa loob ng peryahan sa Brgy. Maderan sa GMA, Cavite.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected]

AUTHOR PROFILE