Recruiters

Panahon na

April 19, 2023 People's Tonight 232 views

KAHIT na buking na buking na sila, tuloy pa rin ang kanilang pambibiktima sa mga kababayan nating gustong-gustong magtrababaho sa labas ng bansa.

Ito ‘yong mga “sweet-talking” at “highly-articulate” human traffickers at illegal recruiters, lokal at foreign, na walang ginawa kundi maghanap ng “willing victims” na kababayan natin.

Sa totoo lang, talagang nahihirapan ang mga otoridad na patigilin ang “human trafficking” at “illegal recruitment” dahil sa nararanasang kahirapan sa ating bansa.

Mabuti naman at lahat ay ginagawa ng mga opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration (BI) para masigurong walang makalalabas ng bansa na hindi kumpleto ang travel papers.

Ang utos nga ni Immigration Commissioner Norman Tansingco sa kanyang mga opisyal at tauhan ay huwag na huwag nilang pansinin ang “social media bashings.”

Marami ang naniniwala na mga miyembro ng human trafficking at illegal recruitment syndicates ang nasa likod ng mga pambabanat sa mga taga-immigration bureau.

“There will be no letup in our campaign so long as these (human) traffickers and illegal recruiters continue to prey on our countymen,” pangako ni Tansingco.

Sa nangyayaring ganito na tila walang takot ang mga mandurugas, dapat na ngang bigatan pa ng two-chamber Congress ang parusa sa human traffickers at illegal recruiters.

Hirap na hirap na nga tayo sa Pilipinas, nagagawa pa ng human traffickers at illegal recriters na lokohin ang mga kababayan nating gusto lang guminhawa ang buhay.

Dapat silang mabulok sa bilangguan.

AUTHOR PROFILE