Default Thumbnail

Pamilyang Pilipino ‘bida’ sa Kongreso

March 11, 2022 Jun I. Legaspi 354 views

ANG pamilyang Pilipino dapat ang bida sa kongreso,” ayon sa Buklod Filipino Party-list.

Isinusulong ng partylist ang adbokasiyang ito sa 5 nangungunang aspeto: kalusugan, edukasyon, kabuhayan, pabahay, at karapatan.

Ayon kina First Nominee Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, Batangas City Vice Mayor Doc Jun Berberabe (2nd), at Imus City Councilor Vince Amposta (3rd), ang kanilang pinagsama-samang karanasan na hihigit sa 4 na dekada sa lokal na pamahalaan ay maghahatid ng mas epektibong perspektibo sa kongreso.

Sa isang survey Enero ngayong taon, nasungkit ng Buklod Filipino Party-list ang ika-27 na pwesto mula sa higit isandaang kalahok.

Nitong Marso, ang party-list ay pumasok rin sa isang Memorandum of Alliance kasama ang Katipunan ng Demokratikong Pilipino (Katipunan Pamilya Pilipino, KDP-KPP) na pinangungunahan ni Ricardo Fulgencio IV.

AUTHOR PROFILE