Default Thumbnail

Pagtugon ni PBBM, Sec. Bautista sa isyu ng EMSA kahanga-hanga

November 5, 2022 Jun I. Legaspi 288 views

Jun LegaspiSA utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kahangahanga ang mabilis na pagtugon ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista at iba pang mga ahensiya ng gobyerno kaugnay sa isyu ng European Maritime Safety Agency (EMSA), upang tugunan ang pangangailangan ng mga “Pilipinong Marino”.

Tiniyak ni Bautista na ang Department of Transportation katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Labor and Employment (DOLE), Commission on Higher Education (CHED), Department of Foreign Affairs (DFA) at Maritime Industry Authority (MARINA) na walang ikababahala ang mga libo-libong Marinong Pilipino at mga pamilya nito na mahuli sa mga kailangang gawin para matugunan ang pangangailangan ng EMSA.

Sa utos ng Pangulong Marcos agad kumilos si Bautista at gumawa agad ng team na susubaybay at titiyakin na nakatutugon ang Pilipinas sa lahat ng requirements ng EMSA at tiyak na pasado sa International Convention on Standard Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers.

Alam naman ng lahat na isa sa malaking naiaambag sa ekonomiya ng bansa ay ang mga libo-libo nating mga Marino na nagpapasok ng dolyar sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang mga kinikitang dolyares sa mga pamilya nito sa buong bansa.

At malinaw din sa katotohanan ika nga na dahil sa talino, skills, sipag, tiyaga, pagmamahal sa pamilya, sa Diyos at sa trabaho priority sa mga bánsang kumukuha ng mga seafarers ang mga Marinong Pilipino.

Kaya nagpapasalamat ang mga pamilya at ang mga Marinong Pilipino kay Pangulong Marcos sa pagbibigay nito ang special na pansin sa kanila at inatasan si Sec. Bautista na asikasuhin agad ang isyu sa ESMA.

Ayon sa mga Pilipinong Marino at mga pamilya nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na nakakasabay ang mga Marinong Pilipino sa industriya.

Tiniyak naman ng mga Pilipinong Marino kasama ang kanilang mga pamilya na sựsundin nila ang lahat ng alituntunin kaugnay sa mga kautusan sa ESMA upang higit silang makinabang sa ibibigay na suporta ng DOTr at iba pang departments kaugnay sa isyung ito

Naniniwala ang lahat sa pangunguna ni DOTr Sec. Bautista at mga kasamang mga departamento, tiyak na maayos at matutugunan ang isyu sa ESMA.
MABUHAY ANG MARINONG PILIPINO!

AUTHOR PROFILE