Sharon

Pagtigil ni Sharon sa Amerika, pinagkakakitaan ng vloggers

May 28, 2021 Vinia Vivar 146 views

Nag-react si Sharon Cuneta sa tsikang pinagkakakitaan siya ng mga vlogger at ginagawan ng mga maling balita.

Sa latest Instagram post ni Megastar, may isang fan na nag-inform sa kanya na maraming YouTubers na gumagawa ng mga hindi magandang kwento at tsismis tungkol sa kanya.

“You’re my favourite long time and nobody will replace you, I’m so very sad to the you tube vloggers just to earn money they are making n creating so many bad stories and tsismis, you’re so good to everybody but still they like you to make you down, I knew you’re aware but just keep safe n take cre!” komento ng fan.

Sinagot ito ni Shawie at aniya, “Hay nako pinagkakakitaan na naman ako sa youtube. Puro kasinungalingan yan. Maganda ang dahilan ng pagpunta ko dito!”

May isa pang nag-comment ng, “kaw yta nasa blind item na kumakalat lahat ng mga comments puro name mo sinasabi.”

Sagot naman ulit ni Megastar, “Talaga! Sana di puro kasinungalingan. Maganda ang dahilan ng pagpunta ko dito eh.”

Anyway, sinabi ni Sharon sa kanyang IG caption na magtatagal pa siya sa US at gusto pa nga niyang magkaroon ng asong aalagaan doon.

“Another sunrise after a night of no sleep… Is this still jetlag? Maybe it’s just stress. At least here, I have good stress.

“I am not just vacationing. I am actually working. Zoom meetings left and right. My manager here (yes, I have one) is keeping me busy! i NEED A DOG. I have to get one here.

“Should’ve brought Pixie and Bella or Toby, Wookie and Chibi with me. Darn it. Talk about emotional support dogs. I was texting with Pawi’s caretaker, Jervy last night and Pawi will be done with his shots next month.

“Just so I’d know, I asked if puede magtravel si Pawi pag magaling na. She said that according to the Vet, due to Pawi’s age baka mahirapan. Sayang. Makaka-States pa sana siya.

“Oh and I don’t know why but it makes me so happy to have a U.S. phone again! Staying for a bit,” ang saad ni Sharon sa kanyang mahabang post.

AUTHOR PROFILE