Maine, tiniis ang panonood ng ‘Friends Reunion’

May 28, 2021 People's Tonight 139 views

NAGPIGIL at nagtiis munang hindi manood si Maine Mendoza ng clips ng bagong series ng Friends Reunion.

Nakababad pa kasi siya sa trabaho nang magsimula ang series.

Tweet ni Maine, “Wait lang I’m still at work!!! It’s so tempting to watch #FriendsReunion clips here on Twitter!!!

“Resist, self. Makakapaghintay ka!”

Of course, hindi lang si Meng ang atat mapanood ang Friends Reunion.

NAKAAANTIG NA KWENTO

KimjeNAKAAANTIG ng puso ang kuwentong mapapanood ngayong gabi sa Magpakailanman.

Sa episode na Kuya Na, Tatay Pa, istorya ito ni Alexis Peralta na sa gulang na labing-isa, eh, iniwan ng nanay at sinasaktan pa ng stepfather.

Ang masaklap pa, eh, ang nakababatang kapatid ay may sakit na cerebral palsy at madalas kargahin at matulog sa kanyang mga binti.

Bida sa episode si JK Giducos kasama sina Ana Capri, Marco Alcaraz, Ervic Vijandre at iba pa. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE