Kim, inuto-uto ni Direk Darryl

May 28, 2021 Ian F. Fariñas 510 views

ISA si Kim Molina sa personal favorites ni Direk Darryl Yap mula nang magkatrabaho sila sa matagumpay na pelikulang Jowable para sa Viva Films.

Katunayan, sa sobrang bilib ng direktor sa former theater actress, hindi siya nagdalawang-isip pa na i-cast si Kim sa bago niyang obra, Ang Babaeng Walang Pakiramdam, na magsisimulang mapanood sa Vivamax at iba’t ibang streaming platforms simula June 11.

Kwento ito ni Tasha (Kim), isang babaeng may kakaibang sakit na Congenital Insensitivity to Pain. Dahil dito, hindi siya nakakaramdam ng kahit anong sakit — maging pisikal o emosyonal man.

Dahil din sa kakaibang kondisyon, hindi alam ni Tasha kung paano umibig. Hanggang sa makilala niya si Ngongo (real-life BF Jerald Napoles), isang lalakeng may cleft palate.

Si Ngongo ang magiging daan para makaramdam si Tasha, lalo na ang saya at sakit ng pag-ibig. At magkasama sila sa isang adventure na hindi nila makakalimutan.

Tsika ni Direk Darryl, naging challenge nila ang pagiging madaldal at mapag-react ni Kim sa totoong buhay.

Kaya naman unforgettable experience para sa kanila ang ginawang plunge sa Danao, Bohol, kung saan inuto-uto nila si Kim para mag-bungee jump ng mahigit 200 feet nang walang reaksyon.

Actually, ang eksenang iyon ay hindi raw ipinasa sa trailer ng ABWP na, so far, ay may milyun-milyon views na mula nang i-release online.

“Biniro ko na lang si Kim,” pagbabalik-tanaw ng direktor, “na dito, mapapakinabangan mo ang downpayment mo.”

At para i-motivate ang aktres, si Direk Darryl ang unang sumubok sa Danao plunge, pati ang production staff at si Jerald na nakadalawang subok pa na ikinanganga ng mga kasabayan nilang foreigners.

As for Kim, malaki ang tiwala niya sa materyal ng ABWP kaya sigurado raw siya na tatangkilikin ito netizens.

OSANG AT SUNSHINE, MAGKASANGGA SA PAGBANGGA SA ‘THE WALL’

OngshineMAGKASAMANG sasabak sa The Wall Philippines ngayong gabi sina Rosanna Roces at Sunshine Guimary, mga bida ng Viva original movie na Kaka na kasalukuyang streaming sa Vivamax.

Abangan kung kayanin ng seksing-seksi na si Sunshine at umaapaw na appeal ni Osang ang challenges na kaakibat ng pagharap sa The Wall kasama ang host nitong si Billy Crawford mamayang alas-sais sa TV5.

Maiuwi kaya ng tandem nila ang pinakamalaking premyo sa programa na P12 million?

Ang The Wall Philippines ay parte ng Todo Max Weekend ng Kapatid network na kinabibilangan din ng Encounter ng bagong tambalang Diego Loyzaga at Cristine Reyes, alas-otso; at ang kapana-panabik na game show na 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy na pinangungunahan naman ng screen heartthrob-turned-game show host na si Xian Lim at komedyanteng si Chad Kinis sa alas-nuwebe.

Malapit na ring matunghayan sa TV5 ang pinakabagong handog ng Viva TV, ang Rolling In It Philippines, na tatampukan ni Yassi Pressman bilang host.

Mapapanood ang Rolling In It Philippines tuwing Sabado simula June 5.

Kapamilya stars, bibida sa ‘Feel Good Pilipinas’ Special ID

ViceKaya nating magsilbing liwanag sa ating kapwa at sa mundo sa kabila ng pandemya. Ito ang napapanahong mensaheng hatid ng Feel Good Pilipinas Special ID ng ABS-CBN na ipalalabas bukas, Linggo, bago ang ASAP Natin ’To at mapapanood muli pagkatapos ng TV Patrol Weekend.

Tampok sa Special ID ang sari-saring kwento ng mga Pilipinong patuloy na lumalaban, nagmamahal sa pamilya at kapwa, at inaabot ang pangarap maski panahon ng krisis.

Kasama nilang maghahatid ng inspirasyon at good vibes ang nagniningning na Kapamilya stars mula sa iba-ibang programa ng ABS-CBN tulad ng ASAP Natin ’To, FPJ’s Ang Probinsyano, G Diaries, He’s Into Her, Huwag Kang Mangamba, Iba ’Yan!, Init sa Magdamag, It’s Showtime, Magandang Buhay, Paano Kita Mapasasalamatan, Your Face Sounds Familiar Season 3, Aja! Aja! Tayo sa Jeju at We Rise Together, kasama ang TeleRadyo anchors at MOR Entertainment MORkada.

Naroon din ang mga bituin mula sa mga programang sinubaybayan ng mga manonood tulad ng Ang Sa Iyo Ay Akin, Bagong Umaga at Walang Hanggang Paalam at mga inaabangang palabas gaya ng La Vida Lena, Marry Me, Marry You at The Broken Marriage Vow.

Una nang naghatid ng liwanag at ligaya ang Feel Good Pilipinas noong Mayo 16 sa paglunsad ng dance video at dance challenge na layuning magpaindak sa mga Pilipino at gawing makulay ang mga araw habang nananatiling nasa loob ng bahay ang lahat.

Kabilang sa mga nakisayaw ang isang grupo ng delivery riders, mga empleyado at marami pang Kapamilya sa bansa at buong mundo.

Sina Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan at sina Mikki Claver, JL Toreliza, Akira Morishita, Nate Porcalla at Gelo Rivera ng P-pop sensation na BGYO ang umawit sa Feel Good Pilipinas.

Sina Lawrence Arvin Sibug at Robert Labayen ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division naman ang sumulat ng lyrics nito habang sina Thyro Alfaro at Francis Salazar ang gumawa ng musika. Likha naman ni Mickey Perz ang galawan sa dance challenge.

Abangan ang Feel Good Pilipinas Special ID ngayong Linggo (Mayo 30) at makisayaw sa inyong paboritong Kapamilya artists bago ang ASAP Natin ’To at pagkatapos ang TV Patrol Weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iba pang ABS-CBN platforms.

AUTHOR PROFILE