Puslit Ang puslit na agricultural products

Pagpasok ng P124M halaga ng puslit na frozen agri products, napigilan ng BOC

June 25, 2022 People's Tonight 92 views

NAPIGILAN ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpasok sa bansa ng mga puslit na agricultural products, na nagkakahalaga ng P124 milyon.

Ayon sa BOC, ang naturang smuggled goods ay mula sa China at naka-consigned sa Daniry Consumer Goods Trading at Jeroce Consumer Goods Trading.

Nabatid na ang Daniry Consumer Goods Trading ay may P75 milyong halaga ng agricultural products sa kanilang containers habang ang Jeroce Consumer Goods Trading ay may P49 milyon naman.

Sinabi ni BOC Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro, ang naturang mga consignees ay mahaharap sa kaukulang legal sanctions at mga kaso.

Ang dalawang shipments ay natuklasang naglalaman ng frozen poultry products, na wala sa orihinal na deklarasyon.

Idineklara umano ng Daniry Consumer Goods Trading ang kanilang shipment bilang hotpot balls habang sinabi naman ng Jeroce Consumer Goods Trading na ang kanilang shipment ay naglalaman ng steamed buns.

Anang BOC, nagsagawa sila ng eksaminasyon sa dalawang shipment ngayong linggong ito matapos na makatanggap ng tip na posibleng misdeclared ang mga ito.

“Derogatory Information received by Intelligence Group (IG) and Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) that above-mentioned shipments were suspected to contain misdeclared agricultural products,” ani CIIS Director Jeoffrey Tacio said.

Matapos ang 100 percent examination para sa shipments., natuklasan ng Customs Intelligence agents na ang shipment para sa Daniry Consumer Goods Trading ay naglalaman ng frozen whole duck, frozen chicken thigh, at frozen duck upper leg mula sa China.

“The consignee is being strictly monitored by CIIS MICP after said consignee declared shipments as hotpot balls,” ani Tacio.

Ang shipment naman para sa Jeroce Consumer Goods Trading ay sumailalim na rin sa 100 percent examination at natuklasang naglalaman ng frozen pork hind feet, frozen chicken mid-joint wing, at frozen pork spareribs.

Nagpalabas na si MICP District Collector Romy Allan Rosales ng corresponding Warrant of Seizure and Detention (WSD) at ipinag-utos ang paghahain ng anti-smuggling cases na paglabag sa Section 1400 (misdeclaration) na may kaugnayan sa Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at iba pang related laws and regulations.

Tiniyak ng kasalukuyang BOC leadership na magpapatuloy ang kanilang anti-smuggling operations sa susunod na administrasyon.

AUTHOR PROFILE