Pacman

Pacman sa bashers ng OOTD ni Jinkee: ’Di ’yan ninakaw sa gobyerno

September 5, 2021 Vinia Vivar 559 views

JinkeeIpinagtanggol ni Sen. Manny Pacquiao ang asawang si Jinkee sa mga pamba-bash na nararanasan nito ngayon dahil sa pagpo-post ng mamahaling items na gamit tulad ng damit, bag at sapatos.

Matatandaan na ang huling pinag-usapang Instagram post ni Jinkee ay ang OOTD (outfit of the day) niya sa nakaraang laban ni Pacman na umaabot daw sa mahigit P2M.

Na-bash nang husto si Jinkee ng mga netizen at sinabihang insensitive dahil nga sa napakaraming naghihirap na kababayan niya ngayon.

Sa panayam sa One News PH ay nahingan si Pacman ng reaksyon tungkol dito.

Depensa ng boxing champ, hard-earned money niya ang kanilang ipinambibili.

“’Yung asawa ko, mukhang mamahalin lang ‘yan pero hindi naman masyadong mahal ang mga isinusuot niya. At ‘yan namang pera na ‘yan, dugo at pawis, hard-earned money ko.

“Hindi ‘yan ninakaw sa gobyerno, hindi ‘yan ninakaw du’n sa mga tao, kundi pinaghirapan ko ‘yan, pinaghirapan namin,” paliwanag ni Sen. Pacquiao.

He added, “Kung anumang meron kami, dream namin ‘yun, sakripisyo, dugo at pawis ang puhunan namin para kami maging masaya.”

Paliwanag pa niya, hindi raw sila mga plastic na tao.

“Kung magsusuot kami ng pang-mahirap, eh, magiging plastic din kami. Sasabihin, ang style ng mga trapong politician lalo pagdating ng eleksyon, magsusuot ng kung pwede lang punit-punit ‘yung damit para sabihing mahirap, eh. ‘Di ba?

“Eh, hindi kami ganu’n, eh. Hindi kami marunong makipagplastikan,” aniya.

AUTHOR PROFILE