Nadine

Nadine may bagong pelikula, boyfriend

September 6, 2021 Aster Amoyo 1779 views

NAIBAHAGI sa amin ng Viva Group of Companies big boss na si Boss Vic del Rosario na may dalawang movie na nakatakdang gawin sa Viva Films si Nadine Lustre.

Si Nadine ay nagdeklarang wala na siya sa bakuran ng Viva nung January 2020 sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan pero ito’y sinagot ng Viva ng legal suit nung December 2020 at nagkaroon ng desisyon ang korte nung nakaraang June 2021 na kailangang igalang ng singer-actress at celebrity endorser ang kanyang kontrata sa kanyang home studio since 2010.

But it is now water under the bridge between Nadine and Viva na muling nagkaroon ng mutual understanding sa kanilang pagitan.

Nadine is starting her new movie with Viva Films na pinamagatang “Greed” na pagtatambalan nila ni Diego Loyzaga mula sa direksiyon ni Yam Laranas. Shooting starts next month.

Natutuwa naman ang fans ni Nadine na muli itong gagawa ng pelikula under Viva and hopefully, a new TV series.

Nabuwag man ang loveteam nina Nadine at ex-boyfriend niyang si James Reid, umaasa pa rin ang supporters ang dalawa na muli silang magsasama sa isang pelikula o teleserye kahit hindi na sila. After all, napanatili naman ng dalawa ang kanilang pagiging magkaibigan kahit hiwalay na sila.

Samantala, mukhang in love na naman ngayon si Nadine dahil nakatagpo ito ng bagong boyfriend, ang French businessman na si Christopher Barjou na co-founder ng online magazine na BE Siargao.

Ang naging buhay ng mga Guwapings

PARE-PAREHO nang hiwalay sa kanilang respective wives and partners ang teen heartthrobs of the early 90’s, ang Gwapings na binubuo noon nina Jomari Yllana, Eric Fructuoso at Mark Anthony Fernandez.

Si Jomari ang unang nahiwalay sa kanyang wife na si Aiko Melendez kung kanino siya may isang anak na lalake, ang 22-year-old young actor na si Andre Yllana. Hiwalay man ang dating mag-asawa, they remain as friends dahil sa kanilang anak. Barely three years lamang tumagal ang pagsasama nina Jomari at Aiko. May dalawa ring anak na lalake ang actor-politician sa kanyang ex-girlfriend na si Joy Reyes na sina Fangio at Ayrton. Bukod kina Aiko at Joy, si Jomari ay na-link din noon kina Ara Mina at Pops Fernandez. Siya’y nakipagbalikan sa kanyang dating katipan, ang aktres na si Abby Viduya (Priscilla Almeda) na siya niyang partner ngayon.

EricSi Eric ay hiwalay na rin sa kanyang wife of over 16 years na si Gian with whom he has three kids – Paula, Damian at Bruce. May isa ring anak na lalake ang aktor sa ibang nakarelasyon, si Frederick.

MarkMatagal na ring hiwalay si Mark Anthony sa kanyang asawang si Melissa Garcia kung kanino siya may isang anak, ang young actor na si Grae Fernandez. May isa pa siyang anak sa ibang nakarelasyon na si Chelsea Fernandez.

Unknown to many unang naging kasintahan ni Eric ang aktres na si Claudine Barretto bago ito naging girlfriend ng kasamahan niya sa Guwapings na si Mark Anthony.

At sa tatlo, si Eric ang unang magiging lolo dahil buntis ang girlfriend na isa sa kanyang mga anak na lalake.

Napasali rin sa Gwapings ang actor na si Jao Mapa (45), at buo pa rin ang pagsasama nila ng kanyang wife na si Cecil kasama ang kanilang tatlong anak na sina Benjamin, Caleb at Amber.

JoyJoy umalma sa pagkasangkot kay Paolo

UMALMA at nagtataka ang ex-girlfriend ni Jomari Yllana na si Joy Reyes kung kanino may dalawang anak na lalake ang actor-politician kung paano nadamay ang kanyang pangalan sa hiwalayan ng dating Kapuso partners na sina LJ Reyes at Paolo Contis.

Bukod sa aktres na si Yen Santos, lumabas din ang pangalan ni Joy na siya umanong babae na kasama ni Paolo sa Manaoag in Pangasinan at sa isang restoran sa Baguio City kamakailan lamang.

Hindi umano personal na magkakilala sina Joy at ex-boyfriend ni LJ Reyes at nasa bahay umano siya (Joy) with her two sons (with Jomari) in Quezon City nung panahong lumabas ang kanyang pangalan linking her to Paolo.

Hangga’t hindi nagsasalita si Paolo at siya mismo ang personal na magsabi sa tunay na identity ng bagong girl na siya umanong dahilan ng paghihiwalay ng kanyang dating partner na si LJ, mananatili itong pahulaan at may iba pang inosenteng babae ang madadamay. Pero sooner or later ay ilalantad din ng actor ang kanyang bagong napupusuan at dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni LJ kung kanino siya may isang anak na babae, ang two-year-old na si Summer Alyana.

MakisigMakisig adjusted na sa buhay-Australia

KUMUSTA na kaya ngayon ang dating child star na si Makisig Morales na nagbida sa super hero kid na “Super Inggo” in 2006?

Now 24 years old, Makisig and his family migrated to Sydney, Australia in 2014 when the former child actor was only 17. Pero muli siyang bumalik ng Pilipinas para gawin ang “Bagani” TV series na tinampukan ng magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil.

Makisig was only 20 years old when he got engaged in Sydney sa kanyang fiancé, ang Fil-Australian model and beauty queen na si Nicole Joson nung September 2018. Ikinasal naman ang dalawa in a sunset wedding ceremony overlooking the beach of La Perouse in Sydney, Australia nung June 17, 2019.

After being married for over two years now, pinag-iisipan na rin ng mag-asawang Makisig at Nicole na magkaroon ng sarili nilang anak pero mas gusto muna nilang magkaroon ng sarili nilang bahay.

Dahil sa pandemic, humaharap din ang mag-asawa sa mga pagsubok dahil apektado ang kanilang trabaho. For now, magkatuwang ang dalawa sa kanilang joint vlog na kanilang pinagkakaabalahan.

Si Makisig ay runner up ng kiddle competition na “Little Big Star” ng ABS-CBN in 2005. The following year ay ginawa siyang bida sa isang TV series for children, ang “Super Inggo”. Bukod sa pagiging actor, isa ring mahusay na mang-aawit si Makisig.

Nami-miss man niya ang kanyang showbiz career, adjusted na umano siya sa kanyang buhay sa Australia with his lovely wife na si Nicole na naging Miss Earth Australia.

KC dalawa ang pinagpipilian

SINO kaya sa dalawang close friends ni KC Concepcion, ang Fil-Am rapper na si Apl.de.ap (Allan Pineda) at ang Fil-Canadian na si Chef Jordan Andino ang mas malapit sa puso ngayon ng panganay ng megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion?

Matagal nang lumulutang ang balita na ang Fil-Am rapper ang bagong boyfriend ni KC lalupa’t nakikita umano ang dalawa na madalas magkasama including their dinner dates sa ilang posh restaurants in L.A.

May ilang buwan na ring namamalagi sa L.A. ang singer-actress at entrepreneur at wala pa umano itong plano na bumalik ng Pilipinas anytime soon.

KC is 36 at 46 naman si Apl.de.ap. Unang na-link ang dalawa nung 2013 na muling na-rekindle recently.

Shawie’s eldest daughter had Rico Blanco as her first boyfriend in 2003 na sinundan ni Billy Crawford in 2005. Naging boyfriend din ni KC sina Lino Cayetano, now mayor ng Taguig City, Pierre-Emmanuel Plassart na kanyang muling nakabalikan pero nauwi rin sa hiwalayan, ang American professional basketball player na si Chandler Parsons, ang actor na si Paulo Avelino at ang dating football player na si Aly Borromeo.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwith AsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE