Chizheart

Chiz, sa possible Heart-Echo reunion project: ’Di ako seloso

September 6, 2021 Vinia Vivar 455 views

EchoWalang problema kay Sorsogon Governor Chiz Escudero na muling makapareha ng misis niyang si Heart Evangelista ang ex-boyfriend nitong si Jericho Rosales.

Sa continuation ng panayam ni Karen Davila sa mag-asawang Chiz at Heart ay isa nga sa mga natanong ay kung papayag ba ang politiko sakaling may reunion movie na i-offer sa misis at sa ex nitong si Echo.

Ayon kay Heart ay maraming beses na nila itong napag-usapan ni Chiz at ang sagot daw ng mister sa kanya ay, “It’s up to you.”

Pag-ayon ni Chiz, “It’s up to her. If it will help her, if it will make her grow, for me… again, hindi ako selosong tao.”

Sambit naman ni Heart, “NR (no reaction) siya, sobrang NR.”

Si Heart naman ang tinanong ni Karen kung may mga babae bang ayaw niyang makasama ni Chiz.

“Honestly, he makes me feel really, really secure. But because when you talk to him and you get to know this guy, you will be so surprised na pinipilahan siya ng maraming babae,” papuri ni Heart sa mister.

Biniro tuloy siya ni Karen kung naka-helmet ba siya.

Patuloy pa ni Heart, “He’s really such a good guy! He’s so smart, conversation’s so good, it’s so sexy. And his appeal, his gravitas is just on another level.”

Hindi raw si Chiz ang tipo na mangangaliwa at hindi rin daw ito malandi sa girls.

Kailangan daw ay malakas ang personalidad ng isang babae para makuha ang kanyang mister.

PARANG PELIKULA

Parang pelikula pala ang kuwento ng magkapatid na bata na kinidnap noong 1994, at nasagip sa tulong ni Senador Ping Lacson, na head noon ng anti-kidnapping task-force.

Habang ikinukuwento ni Kathryn Bellosillo sa Mattruns podcast ni Matteo Guidicelli ang nangyari sa dalawa niyang anak, isang pamangkin, yaya at driver, para kang nakikinig ng story line ng isang action-drama-suspense movie.

May koneksyon sa mental health ang usapan dahil tinalakay din doon ang after effect ng kidnapping sa isa sa mga anak ni Kathryn, at sa kanya mismo dahil sa trauma.

Anyway, nang makidnap na nga raw ang kanyang mga anak, humingi raw si Kathryn ng tulong sa kaibigan niyang pari na si Fr. Sonny Ramirez, para ipagdasal ang kanyang mga anak at mga kasama nito.

Si Fr. Ramirez ang naghikayat kay Kathryn na lumapit kay Ping na at first ay ayaw ng ina dahil nagbilin ang mga kidnaper na huwag magsusumbong sa mga pulis.

Pero hindi naman siya nagkamali ng pasya dahil after nine days, ligtas na nasagip ng grupo ni Ping ang mga anak ni Kathryn at mga kasama nila. At nahuli ang dalawa sa mga kidnaper at nakakulong ngayon.

Hindi namin alam kung naisama na sa mga pelikulang ginawa sa buhay ni Lacson ang pagsagip niya sa mga batang iyon, na ngayon ay malalaki na at nakapag-asawa na.

Samantala, ngayong September 8 na ang official announcement ng candidacy nina Sen Ping at Senate President Tito Sotto at 11 am.

It will be simulcast sa lahat ng major networks CNN Ph, Net 25 and at least 40 local cable channels nationwide, gayundin sa mga Facebook news page.

AUTHOR PROFILE