Raymund

Goodbye, Raymund

September 5, 2021 Aster Amoyo 1010 views

NAGIGING obituary na ngayon ang Facebook page dahil dito lahat naka-post ang mga taong namayapa kilala man o hindi.

Minsan, nakakatakot mag-browse ng FB dahil kadalasan ang makikita mo ay hindi lamang pamilyar kundi isang malapit na tao sa iyo kung hindi man ay kaanak o kamag-anak mo ang sinasabihan ng condolences or rest in peace. Most recently ay magkasunod na pumanaw ang actress-comedienne at vlogger na si Mahal (Noeme Tesorero) at ang actor, fight director and martial arts instructor na si Richard Manabat dahil sa deadly Covid-19 coronavirus. At patuloy sa pagkitil ng buhay ng mapamuksang virus na ito hindi lamang sa mga ordinaryong tayo kundi maging sa mga kilalang personalidad.

We were schocked when ace celebrity photographer Raymund Isaac posted in his FB page last July 24 na naka-confine siya sa isang pagamutan in San Francisco, California, USA hospital dahil sa Covid and he was alone due to protocols. Naa-update lamang ang pamilya at mga kaibigan ng status ni Raymond through FB sa pamamagitan ng kanyang longtime partner na si Jayson Vicente and everyone extended their well wishes for Raymund. Pero pagkaraan ng mahigit isang buwang confinement ay tuluyang namaalam ang kilalang celebrity photographer na labis na ikinalungkot hindi lamang ng kanyang pamilya kundi maging ng mga kaibigan at kakilala niya.

Hindi lamang sa showbiz industry kilala si Raymund kundi maging sa fashion, advertising, sports, politics at sa lahat na na yata ng sector. Kapag nabanggit ang pangalan na Raymund Isaac ay isa lamang ang kanilang sasabihin, isang napakahusay na photographer. In showbiz alone, walang hindi nakakakilala kay Raymund.

We had the privilege to work with Raymund many times in the past during our OctoArts Films days and when we were in the corporate world. Hindi lamang ace photographer si Raymund but he would become everybody’s friend dahil sa kanyang magandang PR at pakikisama kaya siya well-loved ng lahat.

We will definitely miss you, Raymund. You are now in a much peaceful place with our Creator.

AUTHOR PROFILE