Hidalgo

P1.3B shabu ‘ipinarada’ sa Pampanga parking lot

August 25, 2023 Bernard Galang 229 views

ISANG van na inabandona sa parking lot ng SM Hypermarket sa Mabalacat, Pampanga noong Biyernes ang nadiskubreng naglalaman ng P1.3 bilyong halaga ng shabu.

Ayon kay PRO 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., nakikipag-ugnayan na sa National Bureau of Investigation ang Mabalacat police para sa tamang pagkuha ng napakalaking halaga ng shabu sa supermarket sa Barangay Camachiles.

Nadiskubre ang shabu sa pulang Toyota Avanza (ZGS-643) na kargado ng hindi bababa sa 200 kilo ng shabu.

Sinabi ni Hidalgo na nagtutulungan na ngayon ang NBI at ang kanyang mga tauhan para matukoy kung sino ang mga suspek sa likod ng inabandonang bilyong halaga ng droga.

“Nawa’y maging malinaw na babala ito sa mga drug trafficker na seryoso ang PRO 3 police sa kampanya para makamit ang drug-free na Central Luzon,” giit ni Hidalgo.

AUTHOR PROFILE