Posas

Murder suspek laglag sa Batangas

August 25, 2023 Jojo C. Magsombol 386 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Hindi nakaporma ang isang akusado ng pagpatay sa bayang ito nang dakmain ng mga pulis sa Bgy. Ang Sta. Rita Karsada, Batangas City noong Miyerkules.

Ayon sa ulat ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Calabarzon Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces, walang trabaho ang 35-anyos na akusado ng Bgy. Ang Sta. Rita Karsada.

Naaresto ang suspek dakong alas 8:15 ng umaga noong August 23, 2023 sa tulong ng warrant of arrest para sa pagpatay na inisyu ni Charito M. Macalintal-Sawali ng Regional trial Court (RTC) Branch 4 ng Batangas City.

Natiklo ang suspek ng mga operatiba ng Batangas City Police Station na pinamunuan ni PEMS Paulino Aclan Eje, Warrant PNCO, (lead unit), kasama ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) Batangas, Batangas Police Provincial Office (PPO), Batangas MARPSTA at ng Special Operations Unit, (SOU) 3.

AUTHOR PROFILE