Default Thumbnail

‘One-stop-shop’

October 23, 2022 Vic Reyes 360 views

Vic ReyesHINDI lang pala ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) at kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas ang nasa isip ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BOC).

Kahit noong mga nakaraang panahon ay alam ng lahat na prayoridad ng ahensya ang maayos at mabilis na pag-proseso at paglabas ng mga kargamento sa dating snake-infested waterfront.

Lalo na kapag malapit na ang kapaskuhan sa Pilipinas dahil panahon ito na nagdaratingan na ang “balikbayan boxes” na naglalaman ng pamasko ng mga OFW sa mga kamag-anak at kaibigan sa bansa.

Pero ngayon ay tututukan din nina Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang mabilis na paglabas ng mga kargamento ng mga diplomat at iba pang foreign dignitaries na nagtatrabaho sa Pilipinas.

Ang tututok dito ay ang bagong-likhang BoC “One-Stop-Shop” para sa foreign diplomats.

Lahat ng 17 ports of entry ng ahensya sa buong bansa ay magkakaroon ng “One-Stop-Shop” na pamumunuan ng Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG).

Ang nasabing unit ay binuo ni Commissioner Ruiz pagkatapos ng kanyang pakikipag-meeting sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at United States Embassy sa Manila.

Sa nasabing pulong ay inulit ni Ruiz ang commitment ng BoC “to further streamline customs processes and procedures.”

“It is in accordance with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. in line with the fulfillment of BoC’s mandate of enhancing trade facilitation,” dagdag pa ni Ruiz.

Tama ‘yan, Sir Yogi.

***

Sa tingin ng marami ay talagang pro-agriculture ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Hanggang ngayon kasi ay siya pa rin ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) na dating pinamunuan ng isa ring Ilokano kagaya niya – si ex-Secretary William Dar.

Katulad nang kanyang sinabi, naniniwala tayo na hindi siya aalis sa nasabing ahensya hangga’t hindi niya naaayos ang lahat ng mabibigat na problema dito, lalo na ang agricultural smuggling.

Ang gusto ni Pangulong Marcos ay matigil na ang pagpasok ng mga puslit na produktong agrikultura na lalong nagpapahirap sa ating mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa.

Kaya nga sa Port of Davao ay nagsagawa kamaikailan ng “spot check” sa dalawang containers na naglalaman ng mahigit 1,000 bags ng “red onions.”

Ang nagsagawa ng “spot check” ay ang Enforcement and Security Service (ESS), X-ray Inspection Project (XIP) at Customs Investigation and Intelligence Service (CIIS).

Lumabas naman sa imbestigasyon ng mga tauhan ni District Collector Erastus Sandino Austria na may required permits at transfer documents ang shipment.

Ayon sa report ang mga sibuyas, na galing sa probinsiya ng Nueva Ecija sa Central Luzon, ay dumating sa KTC Container Yard mula Port of Manila (POM).

Dapat masigurong may mga kaukulang papeles ang mga produkto bago palabasin ang mga ito “to prevent the smuggling of agricultural products in the local market.”

Good job, mga bossing diyan sa Port of Davao!

***

Kung anu-anong variant na ng COVID-19 ang lumalabas hindi lang sa Pilipinas kundi sa marami pang bansa sa daigdig.

Ang maganda lang ay mukhang hindi na “deadly” ang mga variant na ito na kagaya ng mga naunang kumalat sa mundo.

Pero hindi naman “nagpapasindak” ang ating mga otoridad, lalo na ang mga nangangalaga ng ating kalusugan, dahil tuloy-tuloy ang pagbubukas ng ating ekonomiya.

Ang kailangan lang, sabi nila, ay sumunod pa rin tayo sa mga health at safety protocol na ipinapatupad ng gobyerno at local government units (LGUs) sa buong bansa.

Lalo na ang regular na “hand washing” at pagsusuot ng mask kahit na optional na ito sa “open spaces.”

Tuloy-tuloy din ang vaccination program ng gobyerno. Tama ang ginagawa ng gobyerno na dinadala na ang mga bakuna sa mga barangay para mahikayat ang marami na magpabakuna.

Sa totoo lang, hindi na natatakot ang taumbayan, kasama na ang mga bata at matatanda, dahil alam na naman nilang mabisang proteksyon sa COVID-19 ang bakuna.

Sa tingin natin ay tanggap na ng taumbayan na parang TB at iba pang nakakahawang sakit ang coronavirus disease.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa#0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE