Img Jason Salvador, spokesperson ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX)

Kaligtasan, convenience ng pasahero tiyak sa Oplan Biyaheng Ayos for Undas 2022

October 22, 2022 Jun I. Legaspi 532 views

Jun LegaspiHANDANG handa na ang Inter-Government Agencies (IAG) para sa “Oplan Biyaheng Ayos for Unday 2022!”

Ayon kay Jason Salvador, opisyal na tagapagsalita ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang pinakamalaking pumpublikong transportation hub ng bansa, in close coordination na para sa nasabing Oplan ang Department of Transportation (DOTr) na siyang lead agency, kasama ang Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Office for Transportation Security, Metropolitan Manila Development Authority, Philippine National Police, kasama ang local government unit.

“Kaligtasan ng pasahero ang primary goal natin sa tulong at pagkakaisa ng (IGA) sa utos at pangunguna ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista, at LTO, National Capital Region-West Director Rox “workhorse” Verzosa III, at iba pang attached agency, ” ani Salvador.

Hindi biro ang paghahanda ng IGA, ayon kay Salvador.

“Ngayon pa lang, 120,000 pasahero na araw-araw ang bumibiyahe at nagsisiuwi sa kanilang mga probinsiya at ito ay posibleng umabot ng 150,000 hanggang 200,000 bago dumating ang araw ng Undas o November 1. Ginawa pa ng PITX management na mas maayos ang sistema ng paglabas at pagpasok ng mga pasahero pa sa kaayaayang biyahe lalo na yung mga long trip sa Visayas at Mindanao,” saad ni Salvador.

Pahayag pa ni Salvador, nakahanda na ang mga PITX ng 24 oras para sa mga emergency lalo na sa pagbibigay ng first aid sa mga pasaherong posibleng mapagod at biglang magkakasakit. Available ang emergency medicine tulad ng mga paracetamol at iba pa para sa dagliang at pansamantalang lunas ng pasahero.

Ang PNP-K-9 units ay nagdagdag ng additional units at personnel at handang handa na sa round the clock checking sa buong complex upang tiyakin ang kaligtasan sa buong area ng transportation complex.

Maglalagay rin ng mga Malasakit Help Desks (MHD) simula sa October 31 hanggang November 4, 2022 sa main entrance 2 ng PITX upang masigurado na mabigyan agad ng assistance ang sinomang pasahero na mangailangan ng tulong.

Siniguro din ni Salvador na ang PTIX ay may sapat na advanced facility at equipment tulad ng sapat na pahingahan habang naghihintay ng kanilang biyahe ang mga pasahero. Siniguro din ng PTXI management na malinis at kaayaaya ang lahat ng magagamit na mga toilets lalo na sa mga ladies.

May friendly comfort rooms ang complex para sa mga senior citizen at persons with disability para sa kanilang convenience, gayun din sa mga nanay na kailangan magpagatas ng kanilang mga sanggol.

Siniguro din ni Salvador ang mabilis na accessibility at mabilis serbisyo ng kanilang WiFi para sa mga pasahero na kailangan ang internet. Ito ay para rin makausap in advance ng mga pasahero ang kanilang mga pamilya sa mga probinsiya na sila ay ligtas at nasa PITX compound na pasakay na ng bus pauwi. Available din sa loob ng compound ang mga pagkain gusto ng lahat kung kailangan kumain at mag miryenda.

Siniguro din ng LTO-NCR-West ang kaligtasan ng lahat sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga road worthy inspections sa lahat ng uri ng public utility vehicles (bus, taxi, jeepney, vans, trucks, tnvs at iba pa).

Sisiguruduin din ng agency na lahat ng drivers na bibiyahe ay 100% physically, emotionally at spiritually ang kundisyon. Titiyakin din na ang lahat ng drivers at conductors ay wala sa impluensiya o lango ng alak, illegal substance at droga.

Siniguro din ng LTFRB na walang shortages ng bus sakaling dumagsa pa ang mga pasahero. Maging ang mga bus operators ay nagsabi na maglalaan sila ng sapat na mga bus units at drivers para sa tiyakin na walang kakulangan ng bus at drivers na mangyayari sa PITX, saad ni Salvador.

Pinasalamatan naman ng Public Commuters and Motorists Alliance ang maagap na preparasyon ng IGA sa pangunguna ni Sec. Bautista at sa kooperasyon ng PITX management. MABUHAY ANG MGA PASAHERO! MABUHAY TAYONG LAHAT!. ([email protected])

AUTHOR PROFILE