Default Thumbnail

Obrero nandakma ng wetpaks ng dalaga, kulong

September 25, 2022 Edd Reyes 288 views

KULONG ang 22-anyos na construction worker nang panggigilang dakmain at pisilin ang matabok na puwitan ng 19-anyos na dalaga sa harap ng isang sari-sari store Sabado ng gabi sa Navotas City.

Kasama pa ng biktima ang kanyang kasintahan nang panggigilan ng suspek na residente ng Bicol Area, Tanza II ang kanyang pang-upo subalit hindi ito napansin ng binata na abala sa pagbili ng kanilang makakain.

Hindi kaagad isinumbong ng dalaga sa kanyang kasintahan ang pambabastos ng suspek sa pangambang mapa-away pa ang binata kaya’t nang makaalis na ang manyakis ng lalaki, dito na niya isinumbong sa kasintahan ang ginawa sa kanya.

Kaagad namang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay ang kasintahan ng biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa tulong na rin nina P/Cpl. Gilbert Tolin, P/Cpl. Marjun Opiala at Pat. Ismael T Reyes.

Kasong Acts of Lasciviousness ang isinampang kaso ni P/SMSgt. Felbie Lim, may hawak ng kaso, sa Navotas City Prosecutor’s Office laban sa suspek.

AUTHOR PROFILE