BI

Non-immigrant visas hawak ng 153K foreigners — BI

March 10, 2024 Jun I. Legaspi 119 views

IPINAGMALAKI ng Bureau of Immigration (BI) na mahigit 153,000 foreign nationals na ang mga aliens na holders ng immigrant at non-immigrant visas ang nasa PIlipinas

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, umabot sa 153,651 foreigners ang nakilahok sa 2024 Annual Report simula noong Enero 1 hanggang March 1, 2024.

Mas mataas ito ng 13 percent kumpara sa 136,065 aliens na nakasama sa annual report noong 2023.

Sinabi ni Tansingco na senyales na parami na nang parammi ang mga alien na nag-aapply ng residency sa Pilipinas ang mataas na numero ng non-Filipinos na naga-apply ng Philippine residency.

Ipinaliwanag ng opisyal na tanging mga aliens na nakarehistro sa BI bilang immigrants at non-immigrants ang minamandato na magsagawa ng annual report at hindi kasama ang mga foreign tourists o temporary visitors.

Permanenteng residente ang mga immigrants sa Pilipinas habang ang non-immigrants ay temporary residents tulad ng foreign workers o expatriates at mga estudyante.

Ayon kay Atty. Jose Carlitos Licas, BI alien registration chief, nasa 49,556 Chinese nationals ang nangunguna sa talaan ng mga reportees ngayong taon, sinundan ng 26,123 Indians, 11,671 Vietnamese, 10,912 Americans at 7,800 Taiwanese.

Kasama rin sa listahan ang 6,448 South Koreans, 6,019 Indonesians, 5,214 Japanese, 3,392 Britons at 2,804 Malaysians.

Sinabi ni Licas na 80 percent ng mga aliens ang walk-ins o personal na nagreport sa BI field, extension at satellite office gayundin sa ilang shopping malls sa Metro Manila.

Sa kauna-unahang pagkakataon din, pinayagan sa annual report ngayong taon ang 8,000 aliens na mag-report virtually at magbayad ng kanilang fees online.

Umabot naman sa P16 million ang kinita ng gobyerno sa annual report ngayong taon kumpara sa P11 million noong 2023.

AUTHOR PROFILE