Kandidato

New Cabinet members?

May 2, 2023 People's Tonight 186 views

SA isang linggo ay matatapos na ang “one-year ban” sa paghirang ng mga natalong kandidato noong nakaraang May 9, 2022 national and local elections.

Ngayon pa lang ay mayroon na ngang mga ugong-ugong na baka may mga natalong politiko noong 2022 political exercise na papasok sa Gabinete ni Pangulong Marcos..

Aminado si Marcos, anak nina yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos at First Lady Imelda R. Marcos, na maraming talunang kandidato ay handang tumulong sa gobyerno.

“Marami namang magaling na hindi nanalo sa eleksyon na gustong tumulong. So, we will certainly look into that in different positions,” sabi ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Ilocanong Chief Executive, hindi shuffle ang mangyayari kundi “we willl add people to the Cabinet” para mapalakas ang tinatawag na “Official Family” ng Pangulo.

Pero niliwanag ni Marcos na siya ang mag-aanunsyo kung sino ang madadagdag sa Gabinete. “They should hear it from me. Kami muna (ang) mag-usap,” dagdag niya.

Sa ngayon, ay may tatlo pang government departments ang wala pang full-fledged na kalihim.

Ang tatlong ahensya ay ang Departments of Agriculture, na pansamantalang pinamumunuan ni Pangulong Bongbong Marcos, Health at National Defense.

May mga naniniwala na baka ire-relinquish na ni Presidente Marcos ang kanyang portfolio sa DA dahil marami na ring “changes” ang na-introduce niya sa ahensya.

Alam naman ng lahat na talagang tinutukan ng Punong Ehekutibo mula Ilocos Norte ang DA dahil sa dami ng mga mabibigat na problema sa sektor ng agrikultura.

At hindi naman siguro masama kung papalitan din ni Pangulong Marcos ang ilang government officials na hindi kagandahan ang kanilang mga performance.

Dapat lang na sila’y palitan “for the sake of the country and the more than 110 million Filipino people.”

AUTHOR PROFILE