Angelica

Netizens, hanga kina Angelica at Gregg

October 23, 2022 Vinia Vivar 314 views

Sa bagong vlog nina Angelica Panganiban at partner na si Gregg Homan ay ipinakita nila ang normal nilang araw bilang bagong parents.

Sa nasabing vlog ay makikitang hands-on talaga sila sa pag-aalaga sa kanilang first baby na si Amila Sabine o Baby Bean, lalo na nga si Angelica, dahil nagbi-breastfeeding siya.

Nakakatuwang tingnan na salitan sila sa pag-aalaga kay Baby Bean at pati sa mga gawaing-bahay ay share sila dahil wala silang kasambahay.

Humanga rin ang netizens sa kanila, lalo na kay Gregg, na kahit lalaki ay tumutulong sa gawaing bahay pati na rin sa pag-aalaga ng kanilang anak.

Nakakabilib din na kahit kaya nilang magpasweldo ng ilan pang kasambahay ay mas gusto nilang sila mismo ang gumawa ng mga gawaing-bahay ay mag-alaga sa kanilang anak.

AUTHOR PROFILE