Kris

Kris, nadagdagan ang timbang

October 23, 2022 Vinia Vivar 334 views

Tumuntong na sa 90 lbs. ang weight ni Kris Aquino. Meaning, nadagdagan ito kumpara sa sinabi ng Ate Ballsy niya last August na wala pa itong 90 lbs.

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang magandang balita sa kanyang vlog with Mama Loi and Dyosa Pockoh.

Ibig nga lang daw sabihin ay nakakabuti kay Kris ang treatment na isinasagawa sa kanya sa US.

Siyempre, isa rin marahil sa mga dahilan ay ang prayers na inaaalay sa kanya ng fans, followers, pamilya at mga kaibigan.

“Kaya, naku, Diyos ko, napaka-effective po ng ating prayers. Continue praying for Kris’ recovery,” ani Ogie.

Isa pang update ng vlogger/talent manager kay Kris ay totoo raw na nasa Los Angeles na ito at umalis na sa Houston, Texas kung saan nga siya nagpagamot.

Hindi lang malinaw kung tapos na ba ang treatment ni Kris sa Houston kaya lumipat na ito ng tirahan.

Well, sana ay magtuluy-tuloy ang pagbuti ng kondisyon ni Kris at ang susunod naman sana nating mabalitaan ay tagumpay ang treatment na isinagawa sa kanya’t babalik na siya ng Pilipinas.

AUTHOR PROFILE