Yassi

Negosyanteng BF, iniwan ang kabuhayan sa Canada para kay Yassi

May 18, 2023 Vinia Vivar 261 views

For the first time ay nag-open-up si Yassi Pressman tungkol sa kanyang negosyanteng boyfriend na si Jon Semira.

Sa guesting niya sa Magandang Buhay in celebration of her 28th birthday ay nagkuwento ng ilang detalye ang aktres tungkol sa love story nila ng dyowa.

Tsika niya, nagkakilala sila ni Jon a few years ago through common friends. Sa Canada ito naninirahan before but because of her, nagdesisyon ang BF na iwan ang buhay doon at dito na sa ‘Pinas tumira.

“Taga-Canada po kasi siya. Canadian and he used to live here raw po in the Philippines.

“He then went back to Canada and then nag-meet po kami roon. Tapos now he’s moved back for me. Nagwo-work lang po siya in Singapore, tapos here, pabalik-balik,” sey ni Yassi.

Inilarawan niya ang kanilang relasyon as secured, no pressure at magaan.

“I think it’s pretty secure. Something I guess I was needing after a lot of the things that have happened in my life, she said.

Dagdag niya, “And finally parang it feels like home na no pressure, no stress, very, very light.”

Matatandaang ini-reveal ni Yassi ang relasyon nila ni Jon noong July, 2022 nang batiin niya ito ng “happy birthday” sa kanyang Instagram post.

Anyway, natanong din si Yassi tungkol sa kapatid niyang si Issa na as we all know ay naging kontrobersyal kamakailan dahil sa pag-amin sa relasyon nila ni James Reid.

Sey ng aktres, sana ay mas maging careful ang bawat tao sa ipino-post nila sa socmed at tigilan na ang pangnenega sa ibang tao.

“I think it’s always important that we always choose our words and we are always kind online because hindi mo alam ang epekto nun sa isang tao after few years.

“Kung sa ‘yo binabato mo lang sa ibang tao, hindi mo alam… Let’s just be a bit more careful,” she said.

Sa tanong kung paano nila mas pinatatatag ang relasyon nila ni Issa as sisters, “Marami ring honestly times na hindi kami nagkakasundo and I think that’s pretty normal. One of the things that I really, really appreciated nu’ng birthday ko was parang na-acknowledge niya ang pagkukulang and communication.

“At ako rin in-acknowledge ko rin sometimes ‘yung if I’m too much or if I’m too little or if I’m not present. Ang importante with us ay napag-uusapan po namin kahit ‘yung mahirap pag-usapan.”

‘SUMMER BLAST,’ DINAGSA 

Kung ang Chicago ay may Lollapalooza at ang California ay may Coachella, ang Pilipinas naman ay may Summer Blast kung saan tampok ang bigating concert experience, samu’t saring pasyalan, amusement rides, booths at summer-themed attractions, talaga namang nag-level-up pa ang event ngayong 2023.

Mahigit 120,000 katao ang nagtungo sa Philippine Arena Complex, Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan nitong Mayo 13 para makilahok sa Summer Blast.

Batay sa mga ulat, walang naging aberya sa trapiko dahil sa bagong sistema ng traffic flow management na ipinatupad.

Nakisaya at nakikanta naman ang music fans sa performances ng mga bigating artist tulad ng Spongecola, Silent Sanctuary, Rocksteddy at si Gloc-9.

Dinumog ang Philippine Sports Stadium na halos ‘di mahulugang-karayom sa dami ng nanood.

Hindi lang ang mga manonood ang natuwa sa concert. Mismong ang mga artist, nagpahayag rin ng kanilang naging experience.

“Masyadong Masaya! Maraming salamat sa pagmamahal Hanggang sa muli!” sambit ni Gloc-9.

Hindi rin nagpahuli ang Silent Sanctuary na nag-post sa kanilang official page ng “It really was a blast!”

Nagtanghal rin ang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse, Goodwill at si Noah Alejandre.

Lumutang ang galing at charisma ng bandang Dilaw na sumikat sa kanilang kantang Uhaw.

Sakto sa tag-init ang kanta at ayon sa banda, na-excite sila sa rami ng nanood.

Natapos ang concert sa isang nakamamanghang fireworks display na labis na ikinatuwa ng mga manonood.

Nasilayan naman ng fans ang NET25 artists gaya ng cast ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epy Quizon, Boy 2 Quizon, Vandolph Quizon, Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Martin Escudero at marami pang iba.

Bago pa ang concert, nakapaglibot ang mga manonood sa iba’t ibang atraksyon na matatagpuan sa Philippine Arena complex tulad ng The Garden, Butterfly Garden, Airsoft Grounds, Museum of Death at House of Mirrors.

Nag-enjoy din ang marami sa Inflatables, Trade Show, Game Booths, Water Fun at Car Show.

May mga amusement ride rin and Bazaar at Food Park na nasa paligid ng venue.

Para naman sa mga hindi nakapanood sa mismong araw ng event, mabibigyan pa rin sila ng tsansang makisaya sa Summer Blast dahil ipalalabas ito sa NET25.

AUTHOR PROFILE