Kris

Kris, inamin ang LDR nila ni VG Marc

May 18, 2023 Ian F. Fariñas 289 views

Sa latest video upload ni Kris Aquino sa Instagram, nag-sorry siya kay Batangas VG Marc Leviste “for punishing you for what others have done to me.”

Inamin din niya na tama ang politiko sa pagsasabing “you’re not them.”

Pinasalamatan ni Kris si VG Marc sa pagpayag sa kanyang request na gawing pribado ang kanilang long distance relationship (LDR).

“We are proof that LOVE comes when you least expect it. Thank you for your 12 years of perseverance. Whatever God decides for us, let’s please end up BEST FRIENDS for the rest of our lives?” pahayag pa ni Kris.

Bukod sa balitang ito sa kanila ng bise gobernador, ibinahagi rin ni Kris ang pag-uwi ni Bimby sa ‘Pinas para ipagpatuloy ang pag-aaral.

Nauna na ngang bumalik ng bansa ang panganay niyang si Joshua na aniya ay malaki ang dinagdag ng timbang habang nasa Amerika.

Ngayon, kina-career ni Joshua ang muling pagpapapayat katulong ang trusted coaches ng pamilya at katunayan, nakapag-lose na raw ito ng 20 pounds.

Maraming taong pinasalamatan si Kris sa health journey niyang ito, kasama na siyempre ang kanyang bagong set ng doctors, staff at personal assistant na si Alvin.

Ikinalungkot nga lang niya na wala siya sa second death anniversary ng kuya nilang si dating Pangulong Noynoy Aquino at 40th anniversary ng assassination ni former Sen. Ninoy Aquino.

Sa kanyang supporters at prayer warriors, sinabi ni Kris na “Mahaba pa ang Laban. Maraming salamat sa malasakit… Thank you from the bottom of my heart. God bless you for your prayers & compassion.”

AUTHOR PROFILE