Default Thumbnail

Nakakulong na, naaresto pa

February 19, 2023 Jonjon Reyes 344 views

INARESTO ng mga operatiba ng District Special Operation Unit MPD sa bisa ng warrant of arrest ang isang 34-anyos na lalaki sa loob ng Bocaue Municipal Jail dahil sa kasong robbery, Sabado ng gabi.

Kinilala ni Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, ang suspek na si Ves Nathaniel Sunga, binata, ng Franco Street, Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ni Major Purisima, pasado alas 6:12 p.m. nang atasan niya ang kanyang mga kapulisan na isilbi sa suspek ang warrant of arrest laban dito sa loob ng kulungan dahil sa kanyang kaso at dahil kabilang din ito sa Most Wanted Person District Level..

Bitbit ng mga operatiba ng DSOU sa pamumuno ni PEMS Dedimo Alviar Jr. ang arrest warrant na inisyu ni Judge Jennifer Lorena Bautista Agunias, ng Metropolitan Trial Court 4th Judicial Region ng San Mateo Rizal na may inilaang piyansang P36,000.

Ang suspek ay naaresto ayon sa direktiba ni MPD- Director Police Brigadier General Andre P. Dizon at pinaigting na Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) at Oplan Galugad na siyang ipinapatupad ng kanyang kapulisan.

AUTHOR PROFILE