Default Thumbnail

Fishball vendor ‘tinuhog’ 12 anyos ng 2 araw kulong

February 19, 2023 Melnie Ragasa-limena 217 views

SWAK sa kulungan ang 35-anyos na fishball vendor nang pagsamantalahan umano ang 12-anyos na dalagita malapit sa isang paaralan sa Quezon City, noong Huwebes hanggang Biyernes ng gabi.

Ang suspek ay nakilalang si Joseph Munoz Beltran, 35, walang asawa, at nakatira sa 682 A Dalupan St., Brgy. 400, Sampaloc, Manila.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Women and Children Concern Section, bandang 6:30 p.m. noong Huwebes hanggang Biyernes (Pebrero 16 at 17) nag halayin umano ng suspek ang biktima sa exit gate ng Bonifacio Memorial Elementary School, sa Brgy. Unang Sigaw, Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PMSg Charito DC Desmaya, inabangan umano ng suspek ang Grade 2 na biktima paglabas ng paaralan at nang makita ay puwersahan itong hinatak sa madilim na bahagi ng lugar at doon pinagsamantalahan umano.

Nang makauwi ang bata ay agad itong nagsumbong sa kaniyang lola dahilan upang ipaaresto ang nasabing suspek.