Knife

Nagwasiwas ng patalim sinaksak, patay

October 20, 2023 Jonjon Reyes 190 views

PATAY ang isang nagwawasiwas ng patalim na basta na lang pumasok sa isang bahay na may tatlong tao nang agawin ang patalim ng suspek at isaksak sa kanya sa Block 17, Old Site, Babuyan, Baseco compound sa Port, Area, Manila noong Biyernes.

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 anyos ang biktima at nakasuot ng gray na long sleeves at itim na short pants

Isinasailalim naman sa interogasyon ang mga suspek na nakilalang sina alyas Jeric, 25, warehouse staff, Apolinario Jr., 59 at isang Apifania, na pawang residente ng Babuyan, Old Site Baseco Compound Port, Area

Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Mike Gomez, commander ng Manila Police District– Baseco Police Station 13, bandang 3:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob ng barong barong sa pamilya ng Estojero sa naturang lugar.

Agad naman namatay ang biktima dahil sa mga tinamong tadtad ng saksak sa iba’tibang bahagi ng katawan nito.

Dahil dito kinordon ang loob ng shanty saka ipinagbigay alam sa tanggapan ni Police Capt. Dennis Turla, chief ng MPD- Homicide Section, ang nangyaring krimen.

Agad naman rumesponde si Det. Jason Ibasco, kasama ang grupo ng Forensic Unit sa pangunguna ni Police Lieutenant Nonalyn Delayun upang mag-imbestiga sa pinangyarihang lugar.

Ayon sa pamilya Estojero, basta na lamang daw pumasok ang biktima na armado ng patalim sa loob ng kanilang tahanan.

Walang sabi-sabi, pinag-uundayan ng saksak ng biktima ang bawat isa sa kanila pero agad naman naagaw ni Jeric ang patalim at saka sunod-sunod na pinagsasaksak ang biktima.

AUTHOR PROFILE