Nadine

Nadine, ayaw ‘humopia’ ng award sa Gabi ng Parangal

December 9, 2022 Ian F. Fariñas 103 views

TUMANGGING mag-‘hopia’ si Nadine Lustre na maiuuwi niya ang best actress trophy sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal kahit pa marami ang nagpi-predict na hands down winner ang napakahusay na pagganap niya sa Viva Films techno-horror entry na Deleter.

Sa katatapos na grand media conference ng pelikulang idinirek ng multi-award-winning na si Direk Mikhail Red, sinabi ni Nadine na, “How do I answer that? I guess ‘yung mga comment po from, of course, the casuals na nakikita ko online they’re really very impressive, yes, just because they see me in a different way, eh. Kasi sanay po ‘yung mga tao na makita ako as, you know, someone na nagpapakilig, nagpapatawa, nagpapaiyak.

“So this time, it’s a different light, so, tingnan po natin. Ayoko po i-claim, hindi po ako ganu’n. tingnan po natin kung ano ang mangyayari. But definitely, I did do my best.

“Kinarir ko po talaga kasi nga po sobrang excited po ako. Pero tingnan po natin kasi I’m sure marami naman po ding magandang entries and I’m sure maraming magagaling din po namang actresses.”

Pero siniguro ng aktres na panonoorin ng non-showbiz BF niyang si Christophe Bariou ang Deleter kahit pa hindi talaga ito mahilig sa horror films.

Kwento ni Nadine, “Hindi siya mahilig sa horror movies pero sabi niya manonood daw siya for me. I believe matatakot siya, hahaha! Medyo ano, ‘pag gusto kong manood ng horror movie, ayaw niya. So alam kong ayaw niya talaga. Pero, ano, tatapangan niya ‘yung sarili raw niya para mapanood niya sa sinehan. “Iba rin kasi ‘pag sa sinehan mo po mapapanood ‘yung horror movie, eh, kesa sa TV lang. Iba sa pakiramdam kasi ‘yung audio, surround sound, ganu’n. So I’m sure matatakot siya.”

Anyway, mapapanood na simula December 25 ang Deleter na kinatatampukan din nina McCoy de Leon, Louise delos Reyes at Jeffrey Hidalgo.

AUTHOR PROFILE