Imee

Sen. Imee, ‘gangster kusinera’

December 9, 2022 Ian F. Fariñas 99 views

GANGSTER kusinera.” Ganyan i-describe ni Senator Imee Marcos ang sarili kapag nagluluto sa kusina.

Ma-eksperimento pala ang presidential sister pagdating sa pagluluto at madalas madestino sa kusina habang lumalaki.

Ilan lang iyan sa mga ibinahagi ni Sen. Imee sa virtual mediacon na hinost ni Matteo Guidicelli para sa kauna-unahan niyang cookbook, ang PinakBest! Recipes from the Marcos Kitchen and More na binuo niya kasama ang chef at kaibigang si Reggie Aspiras.

Ayon pa sa senadora, more than 10 years inabot ang paggawa ng PinakBest! dahil pareho silang naging busy ni Reggie sa kani-kanilang careers.

Kasabay ng pagkukuwento tungkol sa laman na recipes ng libro na pulos Ilokano favorites, eh, naitsika rin niya kung bakit madalas siyang “nadedestino” sa kusina nu’ng siya ay lumalaki.

Aniya, matanong kasi siya nu’ng bata pa.

“Ang kulit-kulit kong bata, ‘yung pesteng bata! Ang dami kong tanong, ‘di ako nakukuntento sa sagot,” panimula niya.

Eh, dahil parehong busy ang kanyang mga magulang, bandang huli raw ay sinasabihan siya ng mga ito na doon na lang siya mag-stay sa kusina.

“May I go to the kitchen araw-araw,” saad pa ng senadora na paboritong magluto si Judy Ann Santos.

Pero bandang huli, pag-amin ni Sen. Imee, type na type na niya ang “parusang” iyon dahil laging masaya at magulo ang kusina nila’t active na active roon ang kanyang mga tiyahin.

Pagdating naman kay Pres. Bongbong Marcos, puring-puri ni Sen. Imee ang nakababatang kapatid dahil ito raw ang pinakamagaling magluto sa kanila.

Samantala, iba’t ibang recipes na hindi lang basta masarap, kundi siksik din sa magaganda at makukulay na kwento ang kanyang cookbook.

Ibabahagi ni Sen. Imee sa PinakBest! Recipes from the Marcos Kitchen and More ang favorite dishes ng pamilya Marcos.

Traditonal food ang mga ito na mas pinasarap sa paglalagay ng mga paborito nating ingredients, all-time favorite comfort food na mas nagiging espesyal at mas masarap dahil nagiging parte na ng family tradition. Mga putahe na malapit sa puso at magpapaalala ng mga simple at masasayang panahon kasama ang pamilya.

Ibabahagi rin dito ni Sen. Imee ang isang detalyado at step-by-step procedure sa pagluluto ng mga favorite dish ng kanilang pamilya. Ilan dito ay mga Filipino favorite tulad ng Okoy, Dinengdeng at Ginataang Kinilaw, na mula sa mga probinsya ng kanilang magulang, ang Ilocos Norte at Leyte.

Bukod sa mga matututunang recipe, ibinahagi rin ni Sen. Imee sa PinakBest! ang mga kwento sa bawat putahe at kung paano ito nagbigay ng happy memory na pinahahalagahan ng Marcos family.

Mula sa pagluluto ni Pres. Marcos ng Okoy para sa mga kaibigan, sa pag-aabang ni Madam Imelda ng mga bagong huli na isda sa baybayin ng Leyte, hanggang sa pagkain ng mga anak ni Sen. Imee ng mga oyster habang nasa bakasyon sa France.

Mababasa rin sa libro ang isang foreword at additional cooking tips ni Chef Reggie Aspiras, isang matalik na kaibigan at kapwa-Ilokano ng mga Marcos.

Ang PinakBest! ay hindi lang isang libro ng mga recipe kundi isang memoir din na isinulat ni Sen. Imee na nagpapahalaga sa history ng kanilang pamilya, tradisyon, malapit nilang pagsasama at siyempre pa, ang pagmamahal nila sa masasarap na pagkain.

Matuto nang higit pa sa pagluluto at alamin ang ganda, obra at makukulay na kwento ng pagkain mula sa PinakBest! Recipes from the Marcos Kitchen and More na malapit nang maging available online.

AUTHOR PROFILE