Nadine

Nadine, 14 na ang tattoo

June 9, 2021 Vinia Vivar 569 views

May idinagdag na namang dalawang bagong tattoo si Nadine Lustre sa kanyang katawan, this time sa kanyang mga binti naman.

Nag-post sa Instagram ang 55 Tinta Pilipinas kung saan nagpagawa ng kanyang bagong tattoo si Nadine na dinayo pa ng aktres ang shop sa La Union.

Hindi figures kundi words ang ipinalagay ni Nadine sa kanyang mga binti bilang tattoo.

Ang isang binti ay “that’s it” ang nakalagay at sa kabila naman ay “it is what it is” ang mababasa.

Sa ngayon, 14 na ang tattoos ni Nadine sa katawan kabilang na nga itong dalawang bago.

Noon pa ay mahilig na ang aktres na magpalagay nito at para sa kanya, ito ay work of art.

May tattoo siya ng lotus flower, moon, rose, Japanese words, crawling vine, etc.

In her past interview, sinabi niyang bawat tattoo niya ay may ibig sabihin at karamihan daw ay nagsisilbing reminder sa kanya or notes to self.

DESPERADO

Desperado nang manalo sa halalan si Miguel (RK Bagatsing) kaya naman nag-alok na siya ng kasal kay Eva (Mylene Dizon) sa harap ng mga botante ng bayan ng Hermoso sa teleseryeng Huwag Kang Mangamba, na napapanood gabi-gabi sa TV5, A2Z at Kapamilya Channel.

Patuloy na ginagatasan ni Miguel ang love story nila ni Eva para gamitin ito sa pangangampanya, kahit pa alam na niyang dinadala ni Eva ang anak nila.

Kahit na hindi umoo si Eva sa mismong proposal niya, patuloy na nagkukunwari si Miguel na mahal niya si Eva at na bubuo sila ng isang masayang pamilya.

Habang ipinagmamalaki ni Miguel ang tagumpay ng publicity stunt niya, inaayos na rin ng pamilya niya ang pagbabaon sa katotohanang siya ang nakasaksi sa pagkamatay ni Mang Caloy (Soliman Cruz) at na siya ang humahabol rito bago ito nasagasaan.

Si Mang Caloy ang isa sa mga iilang taong nakakaalam na magkapatid nga sina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) — isang katotohanang pilit na ililihim sa kanila nina Deborah (Eula Valdes), Agatha (Mercedes Cabral), at ang maglolong Miguel at Mayor Simon (Nonie Buencamino).

Napapanood ang Huwag Kang Mangamba gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV at iflix.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

AUTHOR PROFILE