Sanya

Sanya, type i-train ni Pia ’pag sumabak sa beauty pageant

June 9, 2021 People's Tonight 270 views

PiaRabiyaNAGKITA na nang personal ang Kapuso actress na si Sanya Lopez at reigning Miss Universe PH na si Rabiya Mateo.

May nagsasabing magkahawig ang dalawa kaya may humihimok kay Sanya na pasukin din ang mundo ng beauty pageants.

Pero ini-enjoy pa ni Sanya ang pagiging reigning TV Queen ngayon dahil sa dalawa niyang series na First Yaya at Agimat ng Agila.

May report ngang handa raw i-train ng former Miss Universe na si Pia Wurtzbach si Sanya kung sakaling pasukin niya ang pageant world.

Hindi man sarado ang utak sa ideya, ini-enjoy muna ni Sanya ang big breaks na ibinibigay sa kanya ng GMA Network, huh!

Mas may datung kaya sa TV series, ’no?

AUBREY AT TROY, BULILYASO ANG KASAL

BULILYASO na naman ang balak ng mag-partner na sina Aubrey Miles at Troy Montero na magpakasal.

May big reveal tungkol sa kasal sina Aubrey at Troy sa kanilang recent vlog.

Ang dahilan nila ay ang COVID-19 na may dalang pandemya.

Eighteen years nang magkasama ang dalawa at biniyayaan ng tatlong anak — sina Mauirice, Hunter Cody at Rocket.

Sa totoo lang, hindi lang ang kasal nina Aubrey at Troy ang nakansela dahil sa pandemic.

Pero may matatapang na celebrity na itinuloy pa rin ang kanilang wedding sa gitna ng pandemya, huh!

SOSYAL NA SHOWBIZ COMMUNITY PANTRY 2

MARAMING-MARAMING salamat sa lahat ng sponsors at nag-organize ng showbiz community pantry part 2 na naganap kamakailan.

Una na riyan si Kuya Willie Revillame ng Tutok To Win; Congresswoman Niña Taduran at Mama Roulette.

Salamat din sa online show na Take It Per Minute Me Ganu’n at sa hosts nitong sina Manay Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu.

Sosyal ang laman ng pantry loot bags this time, huh! Love it!. Kuha ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE