Default Thumbnail

MWP sa Sta Ana timbog

August 25, 2021 Francis Naguit 415 views

ARESTADO ang isang most wanted person dahil sa kasong rape sa Sta.Ana, Maynila.

Ang suspek ay inaresto ng mga operatiba sa pamumuno ni PLt. Col. Orlando Mirando Jr., kasama ang mga operatiba ng Intelligence at Warrant Section na sina PMAJ. Geuel Capuz at PLt. Renato Ramento

Ang suspek ay kinilalang si John Louie Razoda, 27, binata, construction worker at residente ng 2159 C San Andres Extension Sta. Ana.

Ang suspek ay natimbog sa kahabaan ng San Andres Extension, Sta. Ana sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Emily L.San Gaspar-Gito, ng Manila RTC Branch 5.

Kasalukuyan namang nakakulong ngayon sa MPD-PS 6 ang suspek.

Inatasan ni MPD Director PBGen.Leo M.Francisco ang kanyang kapulisan na huwag maging kampante o tumigil sa pagbabantay kahit panahon ng pandemya at MECQ sa lungsod ng Maynila.

“Laging maging alerto at laging ipairal ang buddy buddy system sa pagpapatrolya. Laging mag -iingat sa trabaho,ugaliomg mag suot ng face mask at mag social distancing at panatiliin ang peace and order sa Maynila,” dagdag ni Francisco. Francis Naguit & Jon-Jon C. Reyes

AUTHOR PROFILE