Lopez

Muslim Community suportado tambalang Lopez at Bagatsing

March 24, 2022 People's Tonight 214 views

LUMAGDA ng isang kasunduan sina mayoralty bet Atty. Alex Lopez, vice mayoral aspirant Raymond Bagatsing at kinatawan ng Muslim Community Masjid, na naglalayong magkaisa.

Isinagawa ang naturang kasunduan sa Bayleaf, Intramuros.

Nagkasundo ang mga lider at kinatawan ng Muslim Community ng Maynila na ipagkakaloob ang kanilang buong suporta sa tambalang Alex at Raymond sa darating na 2022 election para maluklok na bagong Mayor at Bise Alkalde ng lungsod.

Sa naturang kasunduan nakasaad na nangangako silang magkakaisa upang magdala ng mabuti at eksklusibong pamahalaan para sa kapwa nila Manilenyong Muslim.Kaalinsabay nito ang pagpapasuot kay Atty. Alex ng kupya, isang kasuotan sa ulo ng mga Moro na karaniwang sinusuot ng isang Sultan.

Pinahayag ng mga Manilenyong Muslim na si Atty. Lopez ang susunod na Rajah ng Maynila. Kuha ni MARVIN EMPAYNADO

AUTHOR PROFILE