Mike

Mr. Tuviera, ikinalungkot ang nangyari sa TAPE at TVJ

June 29, 2023 Ian F. Fariñas 368 views

NILINAW ni Direk Mike Tuviera, anak ng dating TAPE, Inc. president na si Antonio “Mr. T” Tuviera, ang usap-usapan na siya dapat ang papalit sa ama sa kumpanya ng pamilya Jalosjos na producer ng “revamped” Eat Bulaga sa GMA-7.

Paglilinaw niya, “No never. I was never involved with TAPE. Talagang from the beginning, I was with APT (Entertainment). Actually, ever since pinag-usapan naman namin ito ng dad ko, my passion was always movies kasi saka narrative. So ang TAPE naman ’di gumagawa ng narrative. So I was never involved with TAPE. Nasa APT talaga ako ever since.”

Ang APT Entertainment ang producer ng ilang shows sa TV5 tulad ng Jack and Jill sa Diamond Hills, Emojination, atbp.

Siyempre, gaya raw ng buong bansa, ikinalungkot din ng daddy niya ang mga nangyari sa TAPE at TVJ/legit Dabarkads, pero sa ngayon, okay na ito.

“He spends all his time with the family, kami, ‘yung mga apo niya. So he’s catching up on time with family. ‘Yun ang main ano niya, parang source of happiness niya ngayon. When we’re together we don’t talk about work, eh. I think kahit sino naman, I think buong bansa naman nalungkot sa chain of events. Pero ano, he’s okay now lalo na we don’t talk about it but ano naman as long as surrounded siya by family, it’s okay,” sagot pa ni Direk Mike sa pangungumusta ng press kay Mr. T.

AUTHOR PROFILE