Yanblancpro

Marian, game mag-guest sa ‘Showtime’

June 29, 2023 Ian F. Fariñas 289 views

BUKAS si Marian Rivera sa ideya na mag-guest sa pilot episode ng noontime show na It’s Showtime sa pilot episode nito sa GTV sa July 1.

“Sige, any. Basta nasa network ng GMA. Exclusive ako sa GMA. Any basta papayagan ako ng network, kung anong sasabihin sa akin ng GMA network, susundin ko ‘yon kasi malaki ang respeto ko sa network,” game na sabi ng Kapuso Primetime Queen nang mainterbyu kahapon ng entertainment press sa launch ng bagong endorsement niya na Blanc Pro, isang bagong skin care brand na affiliate ng Beautederm ni Rhea Anicoche-Tan.

Nang tanungin tungkol sa TVJ at ang bagong show ng mga ito sa TV5, sinabi ni Marian na, “For sure marami ang naka-miss sa kanila at lahat naman tayo ay gustong makita uli kung paano ‘yung plataporma na gagawin nila. So, happy ako and congratulations sa kanila. Both, kung sino man ‘yung lumipat at pumunta rito. At least lahat tayo masaya at mapapanood natin sila.”

Isa rin ang Kapuso actress sa mga labis na natuwa sa pahayag ni GMA big boss Atty. Felipe Gozon na “TV war is finally over” ngayong nasa GTV, sister channel ng GMA, na ang Kapamilya program nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, atbp.

“Yehey! Eh, di yehey! ‘Yun naman talaga ang goal natin, ang mapasaya ang mga taong nanonood at mabigyan nating ligaya sila ‘pag nanonood sila. So, mas maganda ‘yon, walang war,” turan ni Marian na magiging busy ngayong 2023 dahil bukod sa pagiging lone Blanc Pro at Beautederm Home female endorser ay sasabak muli sa pelikula katambal si Dingdong para sa Star Cinema, APT Entertainment at Agosto Dos.

AUTHOR PROFILE