Medical Mission Magkasama ang mga personnel ng MPT South at Joint Task Force-NCR (First Task Brigade, First AFP Reserve Center at 11th CMO Battalion) nagbigay ng medical mission at nagsagawa ng libreng tuli sa Kawit, Cavite. Photo courtesy of CALAX

MPT South nagsagawa ng medical mission sa Kawit

May 25, 2022 Jun I. Legaspi 370 views

SINIMULAN na ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC), ang pagsasagawa sa taunang medical mission sa Kawit, Cavite, kauna-unahan mula nang magkaroon ng pandemiya.

Tinatayang aabot sa 392 na bata at matatandang residente ng Barangay Aplaya, Kawit, Cavite, ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal sa corporate social responsibility (CSR) effort ng toll road company na tinawag na “Alagang MPT South Medical Mission” katuwang ang lokal na pamahalaan ng Barangay Aplaya, at iba pang partners nito na Joint Task Force-NCR (First Task Brigade, First AFP Reserve Center, and 11th CMO Battalion), One Pharma Company, Inc., Island Luz Minerva Lodge No. 5, F. & A.M., at Kinamak Flame Grilled Burgers and Sausages.

Bitbit ng MPT South sa Bgy. Aplaya Covered Court ang mga medical volunteers nito na nagsagawa ng libreng “tuli” o circumcision, general check-up, pediatric consultation, at wellness services tulad ng foot detox at back massage.

“Matapos ang COVID-19 pandemic na nakaapekto sa paggalaw ng lahat, ito ang kauna-unahang medical mission activity na isinigawa ng MPT South. Amin muling sinimulan ang pagsasagawa nito para sa aming mga komunidad matapos luwagan ang restrictions. Kami’y lubos na nagpapasalamat sa aming partners at mga volunteers na tumulong at sumama sa amin sa unang araw ng aktibidad na ito. Kami rin ay umaasa na makapagsagawa pa ng mga karagdagang CSR activities sa aming mga host communities, hindi lamang para sa kanilang kalusugan kundi para rin sa kanilang kaligtasan at maging sa pangangalaga ng kalikasan,” ani Arlette V. Capistrano, MPT South Spokesperson at Assistant Vice President for Communication and Stakeholder Management.

Ang mga opisyal at miyembro naman ng Bgy. Aplaya ang naging abala sa pagtipon ng mga residente para sa aktibidad, sa venue, at set-up sa mga istasyon ng general check-up, pedia, circumcision, at wellness services.

“Maraming salamat po sa pamunuan ng Metro Pacific Tollways sa programa pong ito dahil marami pong natulungan mula sa mga bata hanggang sa matatanda. Asahan po ninyo ang suporta po namin sa inyong mga programa lalo kung sa ikabubuti ng mga mamamayan. Maraming salamat po,” pahayag ni Bgy. Aplaya Captain Rommel Fernandez.

Bukod sa Kawit, Cavite, nakatakda ring magsagawa ng “Alagang MPT South Medical Mission” ang toll road company sa mga komunidad ng Bg.y 183, Pasay City sa May 28; at sa Bgy. Tibig, Silang, Cavite sa Hunyo 4.

Ang “Alagang MPT South Medical Mission” ay bahagi ng corporate social responsibility efforts ng MPT South na idinisenyo para maglingkod sa mga komunidad sa paligid ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), CAVITEX C5 Link, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX) na walang kakayanang tumugon para sa kanilang medikal na pangangailangan.

Libre ring ipinamimigay sa aktibidad ang mga piling gamot at vitamins sa mga pasyente.

Bukod sa CAVITEX at CALAX, kabilang sa domestic portfolio ng MPTC ang mga concessions para sa North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu. Ni Jun I. Legaspi

AUTHOR PROFILE