Default Thumbnail

3 ‘tulak’ sa San Andres Bukid timbog

May 25, 2022 Jonjon Reyes 250 views

BINITBIT ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) katuwang ang ilang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Administration(PDEA) ang tatlong pinaghihinalaang “tulak” ng droga sa isinagawang buy-bust operation, nitong Martes ng madaling araw sa Radium St., San Andres Bukid, Maynila.

Kinilala ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng MPD-Sta. Ana Police Station 6 ang mga suspek na sina Charlie Osio, 45, ng Radium St., San Andres Bukid; Paulo Bayoneta, 30, ng Onyx St.; at William Estrella, ng Radium St. pawang taga San Andres Bukid lahat.

Sa ulat ni P/Lt. Renato Ramento, inilatag nila ang buy-bust operation ng bandang 12:30 ng madaling araw sa nasabing lugar at isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang magkaabutan ay saka inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga naaresto ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P13,400.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE