Rider Makikitang namimilipit sa sakit ang biktima habang tinutulungan ng mga otorida. Kuha ni JONJON C. REYES

Motorsiklo vs taxi, rider tumpilapon, kritikal

November 20, 2022 Jonjon Reyes 306 views

Motorsiklo

ISANG rider ang tumilapon at ngayon ay kritikal matapos sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang taxi Linggo ng umaga sa Ermita, Manila.

Namimilipi pa sa sakit ang di pa nakikilalang rider nang dalhin ito ng mga kagawad ng Manila Disaster Reproduction Risk Management Offfice (MDRRMO) sa pagamutan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries at damage to property ang tsuper ng taxi na nakilalang si Artemio Talacay.

Base sa ulat na nakarating kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit ( MDTEU), pasado 7:30 a.m. nang maganap ang aksidente sa panulukan ng United Nations Avenue at Romualdez Street.

Ayon sa imbestigastion ng Traffic Bureau, binabagtas ng motorsiklo na may plate no. 1301- 832841 ang kahabaan ng UN Avenue patungo sa Taft Avenue nang sumalpok ito sa taxi na may plate no. na NFV 3538 na minamaneho ni Talacay at bumabagtas sa Romualdez Street patungo sa Manila City Hall.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng MPD at Tourist Police at tumawag ng ambulansiya ng MDRRMO upang mabigyan ng paunang lunas ang biktima bago isugod sa Ospital ng Sampaloc.

Ayon sa report ng pulisya tumilapon ang biktima dahil sa lakas ng bangga .

AUTHOR PROFILE