Daveara

Mister ni Ara Mina, nag-donate ng sampung dialysis machines

March 31, 2022 Ian F. Fariñas 198 views

Tuwang-tuwa ang maraming residente ng San Pedro, Laguna dahil nai-turn-over na ng asawa ni Ara Mina at congressional aspirant Dave Almarinez ang sampung dialysis machines.

Malaking tulong ito sa mga nagda-dialysis dahil libre na nila itong magagamit sa ospital.

Ayon pa sa Facebook post ng kilusang tumutulong kay Dave, ang Dave Almarinez Movement, “Dialysis machines at iba pang medical equipment para sa San Pedro City, dumating na!

“Nakarating na sa San Pedro City ang 10 dialysis machines, mga medical equipment at kumpletong system. Napakalaking tulong n’yan para sa mga taga- San Pedro, mula sa 2nay at 2too, ang orig na Probinsyano 100% Congressman Dave Almarinez.

“Mismong si Congressman Dave Almarinez ang nag-inspeksyon at personal na nag-abot n’yan sa Amante Emegency Hospital.

“Kinumusta na rin niya ang mga pasyente at healthcare workers sa ospital na labis naman ang tuwa at nagpa-selfie pa sa ating proud San Pedro Boy.

“’Yan Ang 2nay na paglilingkod sa bayan ng 2toong pambato ng unang distrito ng Laguna,” anang FB post.

Sabi pa ng mga residente roon, grabe, kahit wala pa sa posisyon, kung paano arugain ni Dave ang kanyang mga constituent.

Siyempre, tuwang-tuwa naman si Ara na kahit ilang beses pa lamang siyang nakakasama sa pag-iikot ng asawa, ramdam niya ang init ng pagmamahal at suporta ng mga ito kay Dave.

Kahit naman noong nasa taping siya, kitang-kita rin niya kung paano pagkaguluhan ang mister niya ng mga taga-San Pedro dahil tina-tag siya ng mga ito sa kanilang mga Facebook at Instagram post.

AUTHOR PROFILE