Default Thumbnail

Misis dedo sa saksak ng selosong mister

June 12, 2022 Gil Aman 294 views

PATAY ang isang ginang matapos umanong saksakin ng kanyang traysikel drayber na mister sumiklab ang galit ang selos habang sila ay nag-iinuman sa kanilang bahay sa Bgy. Avecida, Siniloan,Laguna.

Kinilala ni P/Major Silver Cabanillas, hepe ng Siniloan police , ang biktima na si Myla Lenes, 43.

Nasawi si Leynes bunsod ng malubhang saksak mg kutsilyo tama sa kanyang katawan.

Kusang sumuko sa pulisya ang suspek na kinilalang si Marvin Coralde, 42.

Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng Siniloan police, dakong 1 a.m. ng magkaroon ng pagtatalo ang diumano’y mag-asawa.

Ayon sa pulisya, nang medyo malasing ang lalaki ay pinilit umanong kinuha nito ang hawak na cellphone ng biktima upang usisain ang isang tawag at text dito.

Nagalit umano ang suspek nang hindi niya makuha ang cellphone kung kaya’t sinaksak nito ang biktima.

Tinangka pang isugod sa ospital ang biktima ng kaanak subalit nalagutan na ito ng hininga.

Ayon Cabanillas, narekober ng kanyang imbestigador ang ginamit na patalim sa loob ng banyo.

AUTHOR PROFILE